5,706 guests

Umiyak!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 604
Ai-Ai delas Alas Ai-Ai delas Alas

TINUPAD nina Sancho de las Alas at Gerald Sibayan ang wish ni Ai-Ai de las Alas na magka­roon ng malaking image ni Mama Mary.

Naganap ito nang gi­singin siya ng dalawa upang asaltuhin sa eve ng November 11, birthday niya.

Agad ngang niyakap ni Ai-Ai si Mama Mary nang bumungad ito sa harap niya.

Lubos ang pasasala­mat niya sa anak at darling sa regalo nilang ito.

Deboto ni Mama Mary si Ai-Ai. Hindi niya nakaka­ligtaan ang birthday nito tuwing September 8.
   
Kaya naman nu’ng concert niya last year sa SM Mall of Asia Arena, kahit belated, nagdaos pa rin siya ng concert kahit October na.
   
’Yung proceeds ng concert na ’yon ay ibinigay niya para sa construction ng Kristong Hari Cathedral sa Fairview.
   
Sa pagkakaalam namin, milyong piso na ang naibigay niya sa pagpapagawa at patuloy pa rin siyang kuma­kalap ng donasyon upang magawa ito.
   
Sa thanksgiving Mass niya kahapon, marami naman siyang kaibigan na nangakong tutulong sa advocacy niyang ito at isa na rito ang dating Vice President Jojo Binay.
   
Kasabay ng thanksgiving Mass ang solemn investiture of the Pro Ecclesia et Pontifice award ng komed­yana mula sa Santo Papa.
   
Ginanap iyon sa Cathedral of the Good Shepherd sa Regalado Ave., Novaliches, QC, na sinundan naman ng maagang hapunan sa may reception area malapit sa Cathedral.
   
Pinangunahan ni Most Reverend Bishop Antonio Tobias ng Diocese ng Novaliches ang selebrasyon, kung saan ’di napigilang umiyak ng komedyana matapos matanggap ang Papal Medal.
   
Naka-all-black outfit si Ai-Ai na may kasamang belo.
   
Kabilang sa mga artistang dumalo sa okasyon sina Alden Richards, Sharon Cuneta, Jose Manalo, Wally Bayola, Erik Santos, John Lapus, Nova Villa, atbp.
   
Sa speech ni Ai-Ai bago matapos ang seremonya, tinawag nito si Sharon na “BFF kong totoo.”

Congrats at happy birthday, Ai-Ai!

* * *

IPINAGMAMALAKI ni Kris Aquino sa Instagram account niya ang natanggap na text messages mula kina VP Leni Robredo at Nadine Lustre.
   
Suporta ito sa kanyang interview kahapon kay President Digong Duterte at nangakong panonoorin siya.
   
Kasamang lumipad ka­hapon patungong Davao City ni Kris si Rams David, president ng Triple AAA,  bagong management team ng TV host-actress.             “Fresh start” ang caption ni Ateng Rams sa picture nila ni Kris.
   
Sa latest post ni Kris pagdating sa Davao City, me­ron siyang inilabas na announcement sa live interview niya kay PDigong.
   
Kapansin-pansin sa announcement niya na live ring mapapanood ito sa GMA News TV bukod sa TV5 at People’s Television, huh!
   
Narito ang announcement ng TV host:
   
“There are some sites that I was told will have #KrisatDUTERTE on LIVESTREAMING. Kasama ang Pangulo sa Pagbabago, MindaVote, MindaNation, Rodrigo Duterte for President National Chapter, Mugstoria.”
   
Sa caption niya, nakasaad na ang 4:30PM, 11/11/2016 at hashtags na #KrisatDuterte #GoNegosyo2016AngatLahat.
   
Pramis naman ng kanyang followers, panonoorin ang interview niya kay PDigong dahil miss na miss na siya pati na ’yung mga nasa abroad.