Home Showbiz Tsismis Angel binasted na ang ex ni Kaye Abad?
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

Banner
Angel binasted na ang ex ni Kaye Abad? PDF Print E-mail
by Gary Sta. Ana   
Monday, 08 February 2010 19:08

angel-locsin-folded-and-hunTOTONG wala na sa poder ni Becky Aguila si Angel Locsin.

Hindi na ito nag-renew ng kontrata sa kontrobersiyal na talent manager na nagpasikat kay Angel. Ang balita namin ay si Malou Santos, big boss ng Star Cinema, ang bagong manager  ni Angel.

By the way, confirmed na ang “relasyon” ni Angel  sa CNN Hero na si Efren Peñaflorida .    

Patunay dito ang sa mariing pagtatanggol ng aktres kay Efren.

“Sa mga taong nanlalait kay Efren, sana  ay  ma-realize ninyo kung ano ang ginawa niya para sa sambayanang Pi-lipino,” say ni Angel.

So, basted na ba talaga ang masugid na nanliligaw kay Angel  na si Chito Miranda, na lead vocalist ng bandang Parokya ni Edgar, na ang balita ay hiwalay na sa longtime GF nitong si Kaye Abad.

*  *  *

KINUMPIRMA ni Lovi Poe na totoong isinauli na niya ang regalong kotse ni Jolo Revilla noong  nakaraang Pasko.

At tsismis pa, nakitang magkasama sina Congressman Ronald Singson -- anak ni Chavit Singson -- sa Sinulog Festival sa Cebu.   Mukhang mahilig sa mga anak ng pulitiko ang dalaga ng namayapang si Fernando Poe Jr.

*  *  *

NAKAAALIW ang portion ng Eat Bulaga na Bababoom   at ang bagong portion na Pinoy Henyo kung saan tatlong  grupo na ang naglalaro na pawang malalaking premyo ang maiuuwi sa mga nasabing portion.

Kaya tutok lagi sa number one daily noontime show na Eat Bulaga ng GMA-7.

*  *  *

SUPORTADO ng mga taga-showbiz industry ang pagtakbo ni  Bantay Partylist Congressman Jovito Palparan, Jr. sa pagka-senador.

Katunayan, sa kanyang pakikipagpulong kina Leo Martinez, Direk Jose Car-reon, Direk Pablo Vergara at Direk Romy Suzara, sumumpa siyang kapag nana-lo sa pagka-senador ay tutulong siyang buhayin ulit ang industriya ng pelikula.

Marami kasing nawalan ng trabaho sa showbiz nang humina ang paggawa ng pelikula .

Si Direk Vergara ang  gu-mawa ng campaign Jingle ni Congressman Palparan.

 
Banner

Most Commented Articles...

Journal Online Content Archives

Who's Online

We have 3,207 guests online