Matagal nang pangarap ni Manny Pacquiao na magkaroon ng gameshow kaya laking pasalamat niya sa GMA7 at natupad ito sa Manny Many Prizes na mapapanood na ngayong July.
“Gusto ko kasing makatulong sa mga kababayan nating naghihikahos. Salamat sa GMA7 at tinupad nila ang pangarap ko.
“Sa pilot episode pa lang ng Manny Many Prizes, magbibigay na kami ng house and lot sa mapalad na contestant. Gusto ko kasing mag-share ng blessings sa mga kababayan lalo na sa mga karapat-dapat na tulungan,” say ni Pacman.
Ipinagtapat din ni Manny na co-producer siya ng Manny Many Prizes pero hindi na niya sinabi kung paano ang sharing nila ng Kapuso. Basta ang mahalaga raw, magkakaroon na rin ng pagkakataon ang mga kababayan nating umasenso sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng cash, house and lot at mamamaha-ling kotse.
Hindi lang ang mga ma-giging contestants ng MMP ang masusuwerte, maging ang co-hosts ni Pacman sa gameshow na sina Rhian Ramos, Isabelle Daza, Gladys Guevarra, Paolo Contis at Onyok Velasco, mapapalad din dahil nangako si Manny na kahit saan siya mapunta, doon nila gagawin ang pamimigay ng mga papremyo.
“Kapag may laban ako sa American, doon namin gagawin ang pamimigay ng premyo sa show. Isasama ko sila (co-hosts) at doon kami magte-taping ng show,” pangako ni Pacman.
Hindi na raw mangyaya-ri na kapag may laban siya sa ibang bansa, pansamantala siyang mawawala sa kanyang show tulad sa sitcom niyang Show Me Da Manny na may nagsa-substitute sa kanya. Sa tanong kung magkakatapatan sila ng show ni Willie Revillame, sabi Manny, hindi niya inisip ang tapatan nila.
“Walang personalan. Ang sa akin lang, mag-share ng blessing at hindi para makipagtapatan. Ma-saya ‘yung may programang namimigay ng papremyo sa mga kababayan nating na-ngangailangan,” sabi ni Cong. Manny, na kung tawagin ngayon ay ‘Ninong.’
* * *
Proud at masaya si Paolo Contis dahil isinama siya sa gameshow ni Manny Pacquaio na Manny Many Prizes.
Mula kasi nang makasama niya si Manny sa Show Me Da Manny, naging close na sila ng Pambansang Kamao at parang kapatid na raw ang turing sa kanya ni Cong. Manny.
Tungkol naman sa kanyang pagiging father at husband kay Lian Paz, inamin niyang hands-on dad pa rin daw siya kahit sa second baby nila. Almost one year old na ang panganay nilang si Xonia Aitana habang three months ang bunsong si Xalene. Hindi naman daw pinagseselosan ng panganay ang bunsong kapatid and infact, naaaliw pa raw itosa kanyang baby sister.
Kung kailan sila magpapakasal ni Lian ngayong dalawa na ang kanilang anak, sagot ni Paolo: “Siguro in two years time. Ipun-ipon muna para sa pag-aaral ng aming mga anak.”
Nagpasalamat si Paolo sa big bosses ng GMA7 sa pag-unawa sa kanya nu’ng tanggihan niya ang role sa Amaya, at sa halip, isinama siya sa Futbolilits na pambata.
“Mas okey ako rito sa Futbolilits. At least, puwede ipapanood sa anak ko. Kontrabida pa rin ako rito, pero comedy. Seryoso kasi ‘yung sa Amaya.”
Dahil larong football ang bagong show niya with Raymart Santiago, plano ni Pao-lo na mag-training nito. Nahihiya raw siya dahil natu-ringang isang Italyano, pero hindi naman siya naglalaro nito. Eh, ito pa naman daw ang national sports ng Italy.
* * *
MULA nang magklik bilang komedyana, dumagsa na rin ang gustong manligaw kay Eugene Domingo.
Isa nga sa mga ito si Kean Cipriano. Pero hindi sineseryoso ng sikat na comedienne ang umano’y pagkahumaling sa kanya ni Kean.
Naka-focus daw kasi si Uge sa magandang showbiz career dahil kaliwa’t kanan ang projects niya, kasama na ang show sa GMA7 na Comedy Bar with Allan K, Fabio Ide, Beergins at Six Feet Long Band.
Biro ni Uge, lilipas din ang mga “pagnanasa” sa kanya at okey lang sa kanya ‘yun. Ang hindi raw okey ay kung “lumipas” kaagad ang kanyang career dahil sa pag-ibig.
Pero sinabi niyang kai-langan din naman niyang magkaroon ng lovelife at partner in life at darating daw ’yun kahit hindi siya mag-effort.
At habang loveless pa, nagi-enjoy si Uge sa Comedy Bar nila ni Allan at nga-yong Sabado, guests nila sina Tado, Derek Monasterio at John Lapus.