6,137 guests

2 binata binoga habang kumakain ng burger, patay

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 169

Patay ang dalawang binata makaraang pagbabarilin habang kumakain ng burger sa harap ng isang burger stand sa Quezon City kamakalawa.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Nicko Ledesma, 25, at Nelveer Ecano, 25, mga residente sa K-10 St., Bgy. East Kamias, QC.
    
Ayon kay PO3 George Caculba, imbestigador sa kaso, nag-iisa lamang ang salarin sa krimen na nakasuot ng bullcap at mabilis na tumakas matapos ang pamamaril sa mga biktima.
    
Nangyari ang insidente sa tapat ng isang sangay ng Angel’s Burger sa K-J St., kanto ng Kamias Road, Bgy. East Kamias, QC, 3:20 ng madaling araw.
    
Bago ang insidente, ayon sa saksing si Jose del Rosario, nakasakay siya sa motorsiklo nang makita ang suspek na nilapitan ang mga biktima at pinagbabaril.
    
Mabilis na tumakas ang suspek patungong Kalayaan Avenue.