5,330 guests

Gf ginawang punching bag ng lasing na obrero

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 279

GINAWANG punching bag ng isang obrero ang mukha ng kinakasama makaraan ang maini-tan nilang pagtatalo sa loob ng bahay ng biktima kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Naaresto naman ng mga opisyal ng barangay ang suspek na si Kinaon Dacanay, 21, ng 137-C Quirino Street, Tondo, Manila, nang makahingi ng saklolo sa kanyang magulang ang 25-anyos na biktimang itinago lang sa pangalang Ellen.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rockilyn Bawer ng Navotas Police Women and Children’s Desk (WCPD), dakong alas-10 ng gabi nang umuwi nang lasing ang suspek sa bahay ng kinakasama sa Tabing Dagat Street, Bgy. Daang Hari.

Nang sitahin ng biktima ang ka-live-in sa ginagawang walang patumanggang pag-inom ng alak, napikon ang lalaki kaya’t humantong sila sa mai-nitang pagtatalo. Sa kainitan ng argumento, biglang pinagsasapak ng lalaki ang kinakasama sa bunganga at sinakal pa nang tangkaing manlaban.

Kaagad na nagsumbong si Ellen sa kanyang ina na siyang humingi ng tulong sa mga barangay ta-nod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.