6,257 guests

Grade 11 student hinalay ng pinsan

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 410

INAKUSAHAN ng 18-anyos na estudyante ang kanyang pinsan na umano’y humalay sa kanya kamakalawa ng madaling araw sa Navotas City.

Tahasan namang itinanggi ng suspek na si Kim Francis Antonio, 21, ang naturang bintang at sinabing gawa-gawa lamang umano ng kanyang pinsan ang akusasyon laban sa kanya.
    
Sa pahayag ng Grade 11 na biktimang itinago sa pangalang Mae sa Navotas Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD), nasa harap umano siya ng kanilang bahay dakong alas-3 ng madaling araw nang puwersahan siyang hatakin ng kanyang pinsan sa loob ng kanilang tirahan. Napagalaman na kapatid ng ina ng biktima ang ama ng suspek at magkatabi lamang ang kanilang tirahan.
    
Ayon kay Mae, sinakal at tinakot siyang papatayin ng pinsan habang puwersahang hinuhubad ang kanyang kasuotan hanggang tuluyan na siyang halayin.
    
Sa panayam sa suspek sa loob ng Navotas Police Detention Cell, sinabi niya na imposible ang binibintang sa kanya ng pinsan dahil nasa itaas lamang ng kanilang bahay ang kanyang mga magulang ng oras na sinasabing nangyari ang panghahalay.
    
Idinugtong niya na kusang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang pinsan para magtago matapos siyang hanapin ng kapatid dahil hindi pa siya umuuwi.
    
Handa aniya niyang patunayan na hindi niya kinaladkad papasok ng bahay ang pinsan dahil may CCTV sa kanilang lugar na posibleng nakakuha sa tunay na pangyayari.