4,271 guests

Lalaki nalaglag sa truck, patay

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena
  • Published in Metro
  • Read: 351

Patay ang isang 20-anyos na lalaki nang mahulog sa sinasakyang truck habang binabagtas ang isang kalye sa Fairview, Quezon City, kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Traffic Sector 5, kinilala ang nasawi na si Ervin Dayundon Caminoc, ng 27 JP Rizal St., Bgy. Sta. Lucia, Novaliches, QC.

Base sa pagsisiyasat ni PO2 Enrico Viterbo ng TS-5, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Chestnut St., Fairview, dakong alas-4:30 ng hapon.

Diumano, minamaneho ng isang Escuardo Richard, 34, ang isang Isuzu Elf truck (TME-719), na rehistrado sa Artan Hardware & Gen. Merchandise, at tinatahak ang naturang lugar galing sa direksyon ng Dahlia St., patungong Sauyo Road nang pagsapit sa naturang lugar ay nawalan ng balanse ang biktima habang nakaupo sa bandang likuran ng truck at mahulog sa bangketa.

Isinugod ang biktima sa FEU Hospital ng rumespondeng DPOS rescue team, gayunman nang nilalapatan ng lunas ay idineklara itong patay ng attending physician na si Dr. Arnel Tolosa dakong alas-6:45 ng gabi.
   
Ang driver ng naturang truck ay isinailalim na sa imbestigasyon ng TS-5 at inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting in homicide.