8,421 guests

INC para kay Bongbong, Duterte

  • Written by Paul Gutierrez
  • Published in Nation
  • Read: 2902

PORMAL  nang inendorso ng Iglesia ni Cristo (INC) sina Davao City Mayor at presidential candidate Rodrigo Duterte at Senator Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na tumatakbo sa pagka-bise presidente.

Inanunsiyo ito sa pamamagitan ng INC circular na binasa mismo ng kanilang executive minister na si Eduardo Manalo sa kanilang lingguhang “worship service” kahapon.

“This is based on the teachings in the Bible that were taught us even before we were accepted as members of the Church of Christ. We have faith that it is God’s teaching that there shouldn’t be division among us, but that we should be one in thinking and one in judgment,” Manalo said in Filipino.
   
Ayon sa executive minister, ibinase nito sa isang bahagi ng Bibliya, sa 1 Corinthians 1:10 at Romans 15:6 na mahalaga umano ang iisang boses upang mapatatag ang kanilang samahan na isa sa mga turo ng Diyos.
   
“In the name of Jesus Christ, for the glory of God and for the sake of the church,” wika ni Manalo.
   
Sinabi pa ng ministro na ang sample ballot na naglalaman ng mga pangalan ng national at local candidates na iboboto ay ibibigay sa mga kapatiran bago ang botohan.
   
Nagsimula na ang mga aktibong kasapi ng Iglesia na i-post noon pang Miyerkules ng gabi kung sino ang kanilang kandidato sa pagka-pangulo.
   
Una nang lumutang ang mga balita noong nakaraang linggo na si Marcos ang susuportahan ng INC pero agad itong itinanggi.
   
Nabatid na kilala ang INC sa bloc voting o pagboto sa isang partikular na kandidato base sa utos ng kanilang liderato.
   
Aabot sa 1.7 million ang miyembro ng INC sa buong bansa.