6,288 guests

2 utas, 2 kritikal sa karambola ng 3 motor

  • Written by Celso C. Lidot
  • Published in Provincial
  • Read: 131

INDANG, Cavite -- Dalawa ang patay sa naganap na karambola ng tatlong motorsiklo na bumabagtas sa
kahabaan ng Bgy. Alulod, dito, noong Linggo ng gabi nang dahil sa walang head light ang isa sa mga
motorsiklo.

Kinilala ng pulisya ang isa sa mga namatay na si Allan Rey Escobido, 31, tricycle driver, ng
Binambangan, Bgy. Poblacion 4, Indang, driver ng  motorcycle na may plate number BA 85168, habang
hindi pa nakikilala ang isa pang namatay na biktima na driver din ng motor na kasama sa karambola na
nakasuot ng black T-shirt at itim na shorts, na ang  motorcycle ay may plate number 8153 NU.
    
Kritikal naman ang back rider ng unang biktima na kasalukuyan pang inoobserbahan sa pagamutan,
na kinilalang si Alvin Arpon, 23, karpentero, ng Binambangan, Bgy. Poblacion 4, Indang.
    
Sugatan din ang isa pang biktima na kasama din sa karambola sakay din ng motor, na nakilalang
si Richard Brin-gera,  23,  vendor, ng Binambangan, driver ng Yamaha Mio Sporty (BD 69956).
    
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11:03  ng gabi nang maganap ang aksidente sa Bgy. Alulod, na
kung saan bumabagtas ang motor ng mga namatay na biktima sa nasabing lugar  habang kasalubong naman
nito ang motor ng kritikal na biktimang si Arpon nang mag-head-on collision ang mga ito.
    
Ang motorsiklo ni Bringera na kasunod ay nadamay at bumangga din sa nagsalpukang dalawang
motor na ang isa sa mga ito na sinakyan ng dalawang namatay ay diumano’y walang headlight.