6,453 guests

5 studes naospital sa amoy ng kemikal

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 169

Limang estudyante ang nahilo matapos makalanghap ng masangsang na amoy ng kemikal na  tumagas sa drum sa bakanteng lote ng Pulo Elementary at National High Schools sa Cabuyao City kahapon ng umaga.

Ayon kay Chairman Popong Amoranto ng Bgy. Pulo, isang drum na naglalaman ng hindi pa matukoy na kemikal ang tumagas at pinagmulan ng mabahong amoy.
    
Limang estudyante na nasa Grade 8 ang agarang isinugod sa Ospital ng Cabuyao dahil sa paninikip ng dibdib at nahilo bunsod ng masangsang na amoy.
 
Nakalabas ng nasabing ospital makalipas ang mahigit na dalawang oras ang mga estudyante matapos agarang lapatan ng lunas.
    
Ttinakpan na ng plastic bag ng nagrespondeng miyembro ng Bureau of Fire ang naturang drum.