4,683 guests

Magsasaka nabaril ng estudyante, patay

  • Written by Cesar Reyes
  • Published in Provincial
  • Read: 251

KALINGA -- Isang 16-anyos na estudyante ng  Tabuk City National High School ang aksidenteng nakabaril ng isang magsasaka na kinilalang si Anthony Abad Agcon, 21, walang asawa, bandang 9:30 a.m. kamakalawa sa Tuga, Tabuk City, ayon sa report ng mga tauhan ng Bulanao sub-station.

Sa isinagawang imbestigayon, ang suspek ay namamaril ng ibon gamit ang isang homemade caliber .22 sa tabi ng kalsada malapit sa bahay ng biktima nang aksidenteng mabaril ang biktima na nasa kanyang palayan.
   
Sumigaw ang biktima na siya ay tinamaan at nang marinig ng suspek ang sigaw, tumakbo itong papalapit sa biktima na nakahiga sa lupa at humingi ng saklolo. Tinulungan siya ng kanyang kamag-anak at dinala sa Almora General Hospital para bigyan ng lunas subalit namatay din ito.
   
Ang suspek ay inaresto sa kanyang bahay at kinumpiska ang kanyang baril. Inihahanda na ang kasong homicide laban sa kanya.