5,591 guests

Magsasaka natagpuang tadtad ng bala

  • Written by Cesar Reyes
  • Published in Provincial
  • Read: 302

MT. Province -- Isang magsasaka ang iniulat ng Paracelis Municipal Police Station na antagpaung patay at tadtad ng bala ang katawan sa bayan ng Bacarri.

Ayon sa isang nagngalang Fe Dakiwag Egue, 50, may asawa, residente ng Poblacion, Paracelis, bandang 10 a.m. kamakalawa ay sinabi sa kanyang ng kanyang bayaw na si Luis Banti-yan Puguon, 45, walang asawa, magsasaka at residente ng Sitio Balabal, Bacarri, na pinagbabaril umano ng mga hindi pa kilalang salarin ang isang lalaki.
    
Sa isinagawang pagtatanong kay Egue, sinasabing bandang 9 a.m. ng araw ding iyon, nakatanggap siya ng isang tawag galing sa isang Janice Coloma, residente rin ng Balabal, Bacarri na ipinaalam sa kanya na ang kanyang bayaw ay natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang barung-barong sa nasabing lugar.
    
Nakita ng mga nagrespondeng mga tauhan ng Paracelis MPS na ang biktima ay nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan at nakarekober ng dalawang basyo at isang slug para sa kalibre .45 na baril sa lugar ng insidente.
    
Ang biktima ay dinala sa Paracelis Municipal Health Office para masuri ng mga doktor. Siya ay kasalukuyang iniim-bestigahan ng pulisya.