13,913 guests

San Pablo City workers, kabataan kay Robredo

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 3252

Dahil mapagpakumbaba, bukod sa plataporma sa kandidatura sa pagka-bise presidente, ay pa-tuloy na umaani ng suporta si Camarines Sur 3rd district Rep. Leni Robredo mula sa hanay ng iba’t ibang sector sa San Pablo City.

Kabilang sa nagbigay ng kanilang pahayag ang mga empleyado gayundin ang mga kababaihan, manggagawa at mga kabataan na umaasa na magkaroon ng kanilang panibagong antas ng pamumuhay.

Katulad ng isang bagong graduate na estudyante mula sa Dalubhasaan ng Lungsod ng San Pablo (DLSP), may positibo siyang maaasahan sakaling manalo bilang bise presidente si Robredo dahil sa kanyang sinserong pamamalakad sa pamahalaan na tulad sa kanyang yumaong asawa na si dating DILG Secretary Jesse Robredo na nasawi sa aksidente.

Maging ang mga kababaihan, empleyado mula sa local na pamahalaan sa lalawigan ng Laguna ay kumbinsidong si Robredo ang mananalo sa darating na eleksyon dahil sa patuloy na pag-akyat sa SWS poll survey.

“Nakikita po namin ang simpleng pamumuhay ni Cong. Robredo, tulad po ng pag-uwi sa kanilang lalawigan ay sumasakay pa rin ito ng bus na sana ay tularan ng ibang mga public official,” anang isang local government employee.