Home>News>Provincial>1-taong bata nabundol, patay

1-taong bata nabundol, patay

ALAMINOS City, Panggasinan — Namatay ang isang taong gulang na bata na nabundol ng isang sasakyan habang ginagamot sa hospital noong Linggo sa Bgy. Road, Bgy. Bolaney, sa nasabing probinsya.

Ayon sa report, ang insidente ay nangyari bandang 2:00 p.m. habang ang batang si Ced Joanne’s Agloro, 1, na residente ng nasabing lugar ay nakalabas ng bahay at biglang tumakbong patawid ng kalsada.

Sa puntong iyon, isang Mitsubishi Strada (PN:Rev 217) patungong Timog na minamaneho ng isang Glenn Nesperos, 45, may asawa, negosyante at residente ng Bgy. Bolaney, Alaminos City, Pangasinan ang paparating at nabundol ang biktima.

Makati City Pabakuna

Agad na isinugod ng nakabundol na drayber ang biktima sa Alaminos Doctor’s Hospital upang isalba ang buhay pero namatay din ito kalaunan habang ginagamot.

Ang drayber at ang sasakyan na sangkot sa insidente ay dinala sa Alaminos City Police Station para sa tamang disposisyon.

Publication Source :    People's Tonight