Home>News>Provincial>2 BIFF patay ng makipagbarilan sa tropa ng pamahalaan sa Maguindanao
Provincial

2 BIFF patay ng makipagbarilan sa tropa ng pamahalaan sa Maguindanao

Maguindanao

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Patay ang dalawang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan Faction matapos na makipagbarilan sa tropa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion sa Brgy Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao, Sabado ng madaling araw (Nobyembre 5).

Kinilala ang nasawi na si Omar Indong habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang kasama nito.

Ayon kay Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., ang Commanding Officer ng 33IB isang Payong-payong (tricycle) umano ang huminto ‘di kalayuan sa checkpoint ng sundalo sa nasabing lugar ala-1:30 ng madaling araw.

“When the personnel of Bravo Company, 33IB were about to check the tricycle, the rider disembarked and suddenly fired towards the approaching troops which prompted them to returned fire. Firefight lasted seven (7) minutes”, pahayag ni Lt. Col. Cadiente Jr.

Mabilis namang isinugod ang mga sugatang suspek sa Integrated Provincial Health Office – Maguindanao pero hindi na umabot ng buhay ang dalawa.

Nakuha naman sa mga suspek ang isang kalibre .45 na pistol, magazine at mga bala kasama na ang isang unit ng Payong-payong.

Ayon sa Shariff Aguak PNP ang dalawa ay kasapi ng BIFF-Karialan Faction sa ilalim ng pamumuno ni kumander Kamir Kambal alias Mhedz at kumander Abdulkarim Lumbatan alias Boy Jacket.

Sinabi ni Major General Roy Galido, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central na hindi palalampasin ng tropa ng militar ang sinumang lalaban sa batas. “For a couple of times, we have been calling those victims of violent extremism to lay down their arms and go back to the folds of the law to avoid circumstances like this, but some are not heeding it, at gusto pang makipaglaban sa ating mga otoridad”, pahayag ni Mj. Gen. Galido.

Dahil dito, nasa anim (6) na mga BIFF na ang nasawi habang 175 ang nagbalik-loob sa pamahalaan simula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph