Home>News>Metro>2 karnaper patay sa QC shootout

2 karnaper patay sa QC shootout

PATAY ang dalawang hindi na nakilalang hinihinalang karnaper makaraang makipagbarilan umano sa mga pulis sa Novaliches, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.

Bago ang engkuwentro, isang lalaki ang nagpasaklolo sa mga awtoridad nang agawin umano ang kanyang motorsiklo makaraang bumili sa isang tindahan sa Bgy. San Bartolome Sabado ng gabi.

Ayon sa biktima, pagkasakay niya sa motorsiklo ay tinutukan sya ng baril ng mga suspek at pinababa sabay sibat kasama ang kanyang sasakyan.

Ayon kay PLt. Mann Erik Felipe, PCP 2 commander ng Novaliches Police Station, agad silang nagsagawa ng dragnet operation at nang makita ng mga pulis ang motorsiklo na kapareho ng ninakaw na motor, sinita nila ang drayber ngunit hindi umano ito huminto.

Makati City Pabakuna

Hinabol ng mga awtoridad ang mga suspek hanggang sa nakorner sa isang bakanteng lote sa Austria Street, subalit sa halip na sumuko ay pinaputukan ng baril ang mga pulis.

Dahil dito ay gumanti na rin nang pamamaril ang mga pulis hanggang sa bumulagta ang mga suspek.

Positibo namang itinuro ng biktima ang ninakaw na motorsiklo nitong sinakyan ng mga suspek. Nasamsam ang dalawang baril at sachet ng shabu.

Publication Source :    People's Tonight