Home>News>Nation>20M Tiktokers kumakatok para NAIA rehab

20M Tiktokers kumakatok para NAIA rehab

SA gitna ng pandemya at kaunting biyahero sa mga paliparan, kumakatok sa pamahalaan ang mga “tiktokers” na merong milyun-milyong followers na payagan na ang agarang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Tiktok user Evan Tan na merong mahigit sa 2.2 million followers na naniniwala siyang karapatan lamang ng sambayanang Filipino na magkaroon ng isang world-class airport.

I believe that we Filipinos deserve a world-class airport that can match with other countries,” pahayag ni Tan sa kanyang online message.

Matatandaan na naudlot ang NAIA rehab na dapat sana isagawa ng Megawide Construction Corp. and GMR Infrastructure na siyang umayos at nagpaganda sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Idinagdag ni Tan na gusto niyang gamitin ang Tiktok bilang medium o daluyan upang maipaalam sa iba pang tao ang kahalagahan sa rehabilitasyon ng NAIA na para sa kanya ay kinakailangan kahit sa gitna ng pandemya.

Naengganyo ako na gumawa ng TikTok videos tungkol sa rehabilitasyon ng NAIA dahil naniniwala ako na marami pa ang hindi nakakaalam sa sitwasyon ngayon sa airport, at malalaman lamang ito sa pamamagitan ng social media platforms tulad ng TikTok,” aniya.

Makati City Pabakuna

Umaasa si Tan na sa pamamagitan ng Tiktok ay “magising ang pamahalaan” at maisasaayos ang pangunahing paliparan ng bansa.

Sinang-ayunan naman ito ni Tiktok user Pauline Isabelle at sinabing nais niyang maging kasama sa kampanya na merong malaking kapakinabangan ng bansa tulad ng rehabilitasyon ng NAIA.

I joined this forum because I want to use my talent in good ways especially in conveying an important social issue that our country has, and the motivation of this video is to encourage everyone to be informed on this important issue,” pahayag ni Isabelle sa hiwalay na online message.

Binigyang-diin niya na nararapat lamang ang NAIA maging presentable sa mga bisitang dayuhan at maipagmamalaki ng mga Pilipino.

NAIA needs an improvement that will suit and will present our country to foreigners who visit our country,” ani Isabelle.

Umabot na ng milyun-milyong views ang hashtags sa Tiktok tungkol sa repormasyon ng NAIA. Ilan sa mga ito ang #BetterNaiaNow, 8.4 million views, #FixNaiaNow, 9.4 million views, at ang #TransformNaia, 8.6 million views.