Home>News>Provincial>3 BIFF nagbalik-loob sa Maguindanao del Sur
Provincial

3 BIFF nagbalik-loob sa Maguindanao del Sur

BIFF Surenderee

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Tatlong mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters – Karialan Faction ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa Brgy. Zapakan, Radjah Buayan, Maguindanao hapon nitong Miyerkules (Nobyembre 16).

Bitbit ang kanilang mga armas ay sumuko sa tropa ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion ang tatlong mga BIFF sa tulong na rin ng barangay opisyal sa lugar at ng pamahalaang lokal ng Radjah Buayan. Kabilang sa mga baril na kanilang isinuko ay ang isang Garand Rifle at dalawang Carbine Rifle.

“Nangangamba sila sa kanilang kaligtasan dahil sa mas pinalakas na capabilities ng ating Sandatahang Lakas ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nagbalik-loob sa pamahalaan at iwinawaksi na nila ang kanilang armadong pakikibaka”, pahayag ni Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., ang Commanding Officer ng 33IB.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang panawagan ni Major General Roy Galido, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa mga natitira pang BIFF na biktima ng sirkumtansya at panlilinlang na magbalik-loob na sa gobyerno upang maiwasan na gumamit pa ng pwersa ang militar laban sa mga ito. “Handa ang ating pamahalaan na tanggapin kayo at bigyan ng kaukulang tulong para makapagsimula kayo ng bagong buhay”, wika ni Maj. Gen. Galido.

Sa ngayon umaabot na sa 178 ang bilang ng mga sumukong BIFF mula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph