Home>News>Metro>4 na preso sa QCPD Station 11 nakatakas

4 na preso sa QCPD Station 11 nakatakas

NAGSASAGAWA ngayon ng manhunt ang pulisya laban sa apat na preso na nakatakas sa kanilang kulungan sa Quezon City Police District (QCPD) Galas Police Station 11 nitong madaling araw.

Kinilala ni QCPD Director PBRIG. General Danilo Macerin ang mga nakatakas na sina Glenn Louie Limin alyas Glen, nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 o Comprehensive Drugs Act of 2002, residente ng 205 Bgy. 150 Bagong Barrio Caloocan City, Marvin Inciong aka Inok, may kaso na paglabag sa RA 9262, SEC 11 at 12, may warrant of arrest sa kasong robbery at R.A. 6539., nakatira sa 412 Boracay Subd., Bgy. San Isidro, Paranaque City., Joel Sanchez, alyas Jovan Tokwa, robbery- hold-up, ng 74 Kabignayan St., Bgy. Tatalon, Q.C. at Ronald Buenafe, aka Totie, may kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng R.A. 9165, No. 4 Lumot St., Bgy Tatalon Q.C.

Base sa ulat, dakong 2:58 a.m. nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng Galas Police Station 11.

Base sa kuha ng CCTV, nakalusot ang mga preso nang maputol nila ang bakal ng kulunan at isa-isang lumusot at makatakbo palabas ng presinto para tumakas.

Makati City Pabakuna

Dahil dito, agad naman na ipinag-utos ni PBRIG. General Macerin ang manhunt operation laban sa mga suspek at sinibak na rin nito ang nakatalagang duty jailer at nasa custody sa Kampo Karingal habang inihahanda ang kasong kriminal at administrative charges.

I have directed all our station commanders and chief of offices to fortify their security protocols and procedures sa mga detention facilities,” saad pa ni Macerin.

Sinabi pa ni Macerin na kasong “evasion through negligence of the Republic of the Philippine Constitution under Article 22” ang kasong kakaharapin ng duty jailer nang maganap ang pagpuga ng mga preso.

Publication Source :    People's Tonight