Home>News>Provincial>46th Founding Anniversary ng 37IB ginunita
Provincial

46th Founding Anniversary ng 37IB ginunita

37IB 46th Founding Anniversary

Ginunita ng 37th Infantry Battalion, 6th Infantry Division ang kanilang 46th Founding Anniversary sa pamamagitan ng pagbigay-kilala sa mga stakeholders, mga napagtagumpayang misyon at mga natanggap na biyaya na idinaos sa kanilang punong-tanggapan sa Barangay Tibpuan, Lebak, Sultan Kudarat nitong Setyembre 5, 2022.

Nagkaroon ng misa at camp blessing na dinaluhan ng mga opisyal at enlisted personnel ng 37IB habang iniharap kay Major General Roy Galido, Division Commander ng Joint Task Force Central at 6ID ang tatlong former rebel na tumanggap ng immediate assistance mula sa Kalamansig Municipal Government at Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict (MTF-ELCAC).

Nagsagawa rin ng tree growing activities sa loob ng battalion headquarters habang binigyan rin ng plaque of recognition sina Lebak Mayor Frederick Celestial, Kalamansig Mayor Joaquin Concha, Palimbang Mayor Joenime Kapina at Maria Socorro Lanto ang ELCAC Focal Person ng Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ngayong taon ginawaran nina Maj. Gen. Galido at Lt. Col. John Paul Baldomar sina 1Lt. Alfie Villano Jr. bilang Best Company Commander, Best Enlisted Personnel si Cpl. Jepthan Betita habang Best CAFGU Active Auxiliary naman si CAA Salgo Balatak.

37IB 46th Founding Anniversary

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph