Home>News>Provincial>6ID nagdiwang ng ika-35 Anibersaryo
Provincial

6ID nagdiwang ng ika-35 Anibersaryo

6ID 35th Anniversary

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao – Naging payak ngunit makabuluhan ang selebrasyon ng ika-35 anibersaryo ng 6th Infantry (Kampilan) Division, kahapon.

Pinangunahan ni Major General Roy M Galido, Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central ang anniversary program sa pamamagitan ng wreath laying ceremony, bilang paggunita at pagkilala sa kabayanihan ng mga Kampilan Troopers na nag-alay ng buhay sa ngalan ng kapayapaan.

6ID 35th Anniversary

Kasama ng Division Commander sa pag-alay ng bulaklak sa puntod ng mga fallen heroes na nasa loob ng 6ID Headquarters si Brigadier General Eduardo Gubat, ang Assistant Division Commander.

Matapos nito ay pinasinayaan naman ang mga bagong proyekto at kagamitan ng kampo. Una ang gate 1 na may dalawang mga lagusan at ang ikalawa naman ay ang renovation ng gusali ng Pension and Gratuity Management Center (PGMC) at Pension and Gratuity Assistance Offices (PGAO) at blessings ng Mobile Command Center.

6ID 35th Anniversary

Ang nabanggit na proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng 549th Engineer (KAPAYAPAAN) Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Donald Hugo sa ilalim ng 54th Engineer (SARANGAY) Brigade ng Philippine Army.

Nakiisa naman ang mga pamilya ng mga Kampilan Troopers sa Pista sa Nayon na konsepto ng selebrasyon ng ika-35 taong pagkakatatag ng Kampilan Division.

Binuhay naman ang larong Pinoy sa Barrio Fiesta kung saan iba’t-ibang palaro naman ang pinaglalabanan ng mga color teams kagaya ng planting rice, palo sebo, boxing sa kawayan, palo sa palayok, kadang-kadang, paghuli ng pato at iba pa.

6ID 35th Anniversary

Matatandaan na nagbukas ang halos isang buwang selebrasyon ng 35th Founding anniversary ng 6ID noong a-13 ng Setyembre, 2022 sa pamamagitan ng makulay at masayang Sports Fest.

Bahagi naman ng 35th anniversary ng 6ID ang isinagawang license to own and possess firearms na isinagawa sa iba’t-ibang mga lugar sa ilalim ng 6ID mula ika-27 hanggang 30 ng Setyembre kung saan nasa 436 ang naka-avail ng naturang serbisyo mula sa hanay ng mga men in uniforms at mga sibilyan.

Nitong Sabado, Oktubre 22 – isinagawa ang golf fellowship sa Kampilan Golf Course sa Brgy. Dado, Alamada, North Cotabato na nilahukan ng mga opisyal ng 6ID. Nagkaroon din ng tree planting na pinangunahan ni Maj. Gen. Galido. Tinataya sa 30 ektarya ang lawak ng golf course na makikita sa military reservation area at maituturing din itong tourist attraction sa lugar.

Binigyan naman ng grocery items, vitamins, bigas, T-shirt, mug at iba pang handog ang mga retiradong sundalo ng 6ID bilang pagbibigay pugay at pagkilala sa kanilang kontribusyon bilang mga Kampilan Troopers sa Veterans Time.

Samantala sa bisperas ng Araw ng Kampilan ay isinagawa naman ang 8.2-kilometer Fun Run na nilahukan ng daan-daang Kampilan Troopers; 1st Bracket (edad 19-29) nakuha ni PFC Levi Maghanoy mula sa Green team; 2nd Bracket (edad 30 – 39) nasungkit ni Cpl Toquillo ang unang pwesto; 3rd Bracket (edad 40-49) nakuha ni SSg Miso mula sa Yellow Team at ang 4th Bracket (edad 50 pataas) ay nasungkit ni MSg Ternida ang unang pwesto sinundan ni Lt. Col. Javier S Hadjiamen, TSg Jeffrey Paulo, Col. Edgar Catu, Tsg Allan Española, Col. Roberto Huet, Maj. Gen. Roy Galido at pangwalo si SMS Johnny Santiago.

6ID 35th Anniversary

Kaugnay nito, ginawaran naman ng parangal ang mga namumukod tanging Kampilan Troopers sa taong ito; Best CAFGU Active Auxiliary 2022 nakuha ni CAA Michael Enrijo; Best Civilian Human Resource Ms Suzanne Regacho, RN; kapwa nakuha naman ng mga personnel mula sa 40IB ang Best Enlisted Personnel at Officer.

Nasungkit naman ng Black Team ang kampeonato sa isinagawang Fun Shoot; Green Team ang nag-uwi ng over-all champion sa Kampilan Sports Fest at ang squad naman na pambato mula sa 38th Infantry (We clear) Battalion ang nag kampeon sa Kampilan Squad Challenge, 2nd place ang 1st Scout Ranger Battalion and 3rd place ang 37th Infantry (Conqueror) Battalion.

Sa kanyang anniversary message, kinilala ni Major General Galido ang mga nagawa ng mga dating Commanders ng 6ID na naging bahagi sa pag-unlad ng Division. “We should not lose itong opportunity to serve our country through being a member of 6ID”, pahayag pa ni Maj. Gen. Galido.

Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “35 Years of Benevolent Service to the People of Central Mindanao.”

6ID 35th Anniversary

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph