Camp Siongco, Awang, DOS, Maguindanao – Nanumpa na ang walumpu’t-walo na bagong Private na kasapi ng 6th Infantry (Kampilan) Division kasabay nang kanilang pagtatapos sa kanilang Basic Military Training sa 6th Division Training School, Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Biyernes (October 7, 2022).

Ang bagong mga Private ay kabilang sa CSC Class 708-2021 (Bagtikan) o Bagong Tinakdang Kalasag ng Bayan na may 19 na babae at 69 na mga lalake.

Narito naman ang mga nanguna sa kanila: Top 1 – Private Sharmaine Salvilla ng Lebak, Sultan Kudarat, 96.15%; Physical Fitness Proficiency Award, 97.78%, Top 2 – Private Michelle Abalos ng Pigcawayan, North Cotabato, 95.93%; Leadership Award at Top 3 – Private Syndie Zamora ng Kidapawan City 95.74%.

Tumanggap naman si Private Mark Anthony Nietes ng Top Gun Award matapos magkamit ng 100% na rating sa Marksmanship.

New 6ID Troopers

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Major General Roy M Galido, Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division Commander sa graduation ceremony ng mga bagong sundalo.

Hinimok naman ni Maj. Gen. Galido ang mga bagong sundalo na matutong mangasiwa sa kanilang sahod at mag-ipon habang bago pa ang mga ito sa serbisyo at umiwas sa mga iligal na droga o anumang ipinagbabawal sa batas.

“Hinihikayat ko rin ang mga magulang ng mga nagsipagtapos na suportahan ang inyong mga anak habang sila ay nasa serbisyo pa” pahayag ni Maj. Gen. Galido kasabay ng pagsabing “ang inyong mga anak ay pag-aari na ng gobyerno, kaya ipagkatiwala na ninyo ito sa amin”.

New 6ID Troopers

New 6ID Troopers

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph