PINURI ni Brian Poe, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist at graduate ng MNSA (Master in National Security Administration, ang mga reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ginanap na AFP Reservists National Convention 2024 sa Mandaluyong City.
Higit sa 2,000 reservist, opisyal ng militar, at mga pinuno mula sa Army, Navy, at Air Force ang dumalo sa pagtitipon na pinangunahan ng AFP at ng Association of Reservists and Reservist Administrators of the Philippines Inc. (ARRAPI).
“Bilang chair ng committee on communication ng Army Reserve Command at isang tagasuporta ng ating mga sundalo ay ikinagagalak kong makasama kayo sa araw na ito. Bawat Pilipino ay may responsibilidad na maglingkod sa bayan. Ang pagiging AFP reservist ay isang karangalan na may kaakibat na mabigat na responsibilidad. Lubos ang suporta ng FPJ Panday Bayanihan Partylist at ni Senator Grace Poe sa inyong adhikain,” ayon kay Poe.
Isa sa mga nagsalita sa convention si General Romeo Brawner Jr., AFP chief of staff at binigyang-diin na palakasin ang Reserve Force Development Strategy 2023-2028 sa pamamagitan ng pinahusay na recruitment at pagsasanay.
“Ang ating mga reservist ay mahalagang bahagi ng AFP,” ani Brawner. “Nagbibigay sila ng mahalagang suporta sa panahon ng krisis at aktibong nakikilahok sa pag-unlad ng komunidad. Dahil sa kanila, handa tayong harapin ang anumang hamon sa ating pambansang soberanya.”
Kinikilala ang mga mga reservist na mamamayan na may parehong military at civilian careers. Handa silang maglingkod sa bansa sa panahon ng krisis o kung kinakailangan.



