Home>Entertainment>Showbiz>Arjo gusto nang pakasalan si Maine

Arjo gusto nang pakasalan si Maine

Maine Mendoza and Arjo Atayde
Maine Mendoza and Arjo Atayde

HINDI naging madali sa fans na tanggapin ang relasyon ng magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde laluna sa Aldub group nina Maine at Alden Richards. Dumaan pa ng katakut-takot na batikos si Arjo maging ang kanyang pamilya. Pero nangibabaw ang pagmamahalan ng dalawa over the bashings ng mga hindi pabor sa kanilang relasyon.

Last December 21 ay second anniversary bilang magkasintahan nina Maine at Arjo at binati nila ang isa’t isa sa kanilang respective Instagram account. They celebrated it sa isang beach na hindi nila sinabi kung saan.

Maine Mendoza and Arjo Atayde

Unti-unti na ring tumahimik ang fans na hindi sang-ayon sa relasyon ng dalawa lalupa’t napatunayan naman ng award-winning actor kung gaano niya kamahal si Maine.

Sa isang panayam namin noon kay Arjo, inamin nito na si Maine na umano ang gusto niyang makasama habambuhay.

Suportado naman ng kanilang respective families ang pag-iibigan ng dalawa.

Arjo turned 30 last November 5 habang si Maine naman ay 25 going 26 on March 3, 2021.

Super Tekla kapiling na rin ang panganay na anak

SUPER espesyal sa 38-year-old comedian-TV host na si Super Tekla (Romeo Librada) ang darating na Bagong Taon at sa kanyang 39th birthday on January 13, 2021 dahil dumating ang kanyang panganay na anak (sa dating partner na si Airyn Gonzales) na si Airah (Theora Airah Librada) galing ng probinsiya. Halos isang taon din niyang hindi nakita ang panganay dahil sa Covid-19 at lockdown.

Masayang-masaya ang komedyante na makasamang muli ang anak kaya super bonding ang mag-ama ngayon although nalulungkot siya na hindi niya kasama ngayon ang kanyang bunso, ang 9-month old son sa kanyang dating karelasyon na si Michelle Lhor Bana-ag na si Angelo. Naging malaking kontrobersiya ang paghihiwalay nina Tekla at Michelle matapos dumulog ang huli sa veteran radio-TV broadcaster na si Raffy Tulfo.

Naoperahan si Baby Angelo dahil sa anorectal malformation (walang butas sa puwit) pagkapanganak nito. Nataon na naka-lock down noon ang Metro Manila at mga karatig lugar at wala siyang pera at pinagkakakitaan. Nanghingi ng tulong si Tekla sa kanyang mga kasamahan sa GMA maging sa dati niyang boss, ang TV host-producer na si Willie Revillame at nairaos niya ang operasyon ng kanyang bunsong anak. Sa paghihiwalay nina Tekla at Michelle ay bitbit nito ang kanilang anak na sobrang nami-miss ngayon ng komedyante.

Sa kabila ng pagdadamit at pag-aayos babae ni Tekla ay pusong lalake ito.

Gusto rin sana ni Tekla na magkita ang dalawa niyang anak na sina Airah at Angelo.

Kat muling mag-aasawa

NAG-PROPOSE na kay Kat de Castro, president and CEO ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC) at dating Dept. of Tourism Undersecretary ang kanyang singer-boyfriend na si Pancho Juanitez last Tuesday, December 22.

Annulled na ang marriage ni Kat sa kanyang unang mister na si Eric Cruz na naging partner niya since 2004.

Si Kat ay isa sa tatlong anak ng dating Vice-President at senador, ang veteran broadcast journalist at radio and TV anchor na si Noli de Castro sa dati nitong misis na si Arlene Sinsuat de Castro.

Although naging controversial ang pamamalagi ni Kat bilang undersectary ng DOT, she was asked by the present DOT Secretary na si Berna Romulo-Puyat to vacate her post pero muli siyang in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang president & CEO ng IBC.

Makati City Pabakuna

Si Kat ay isa sa strong supporters ni Pangulong Duterte.

Rodjun at Rayver pareho nang nakapagpatayo ng bahay

ULILA nang lubos sa mga magulang ang magkakapatid na Rodjun, Rayver at Omar Cruz Ilustre kaya hindi na inabutan ng kanilang parents na sina Rodolfo at Beth Cruz-Ilustre ang pag-aasawa ni Rodjun kay Dianne Medina, ang kanilang pagkakaroon ng unang apo, maging ang pagkakaroon ng respective houses nina Rodjun at Rayver. Malamang na ibigay na lamang nila ang kanilang ancestral house sa kanilang kapatid na si Omar.

Malamang na sa kanyang bagong ipinatayong bahay na mag-celebrate ng Bagong Taon si Rayver with his girlfriend na si Janine Gutierrez.

Ang pagpapatayo ng bagong bahay ni Rayver ay malamang na paghahanda na rin niya sa kanyang paglagay sa tahimik balang araw. Pareho na ring of marrying age nina Rayver at Janine who are both 31 years old.

Ka Tunying at misis sunud-sunod ang pagsubok

NAKAKA-AMAZE ang strong faith sa Diyos ng mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna at dalawa nilang anak na sina Zoey at Helga sa kabila ng sunud-sunod na pagsubok na dumating sa kanilang buhay.

Parang second home na nina Tunying (palayaw ni Anthony) at Rossel ang isang pagamutan kung saan matagal nang naka-confine ang kanilang panganay na si Zoel dahil sa sakit nitong leukemia. Tinamaan ang kanilang Ka Tunying restaurant in Tagaytay City ng pagsabog ng Bulkang Taal nung Enero at sinundan ang pagsasara ng kanilang sampung restaurants dahil sa lockdown sanhi ng Covid-19 coronavirus although unti-unti itong nagbukas sa pagluluwag ng quarantine sa bansa. Kasama rin si Tunying sa Kapamilya talents na nawalan ng trabaho (both sa TV and radio) sa pagkakabasura ng Kongreso sa prangkisa ng ABS-CBN. As if these trials were not enough, na-discover naman ng mag-asawa na ang taong kanilang pinagkakatiwalaan ng kanilang pera at kabuhayan ay matagal na pala silang pinagnanakawan ng milyones. Pero sa kabila ng mga pagsubok na ito, patuloy ang pagkapit ng mag-asawa at ng kanilang pamilya sa Diyos. Patuloy silang umaasa at nananalangin na gagaling si Zoey sa kanyang sakit, tuluyang silang makakabawi sa kanilang mga negosyo at mananagot sa batas ang taong nanloko sa kanila.

Si Anthony at ang kanyang longtime radio partner na si Gerry Baja ay regular namang napapakinggan ngayon sa kanyang “Dos por Dos” program sa DZRH.

Laban lang, slogan ng mga Kapamilya maging ng mag-asawang Anthony at Rossel.

Morisette at Dave engaged na

ENGAGED na ang magkasintahang Morissette Amon at Dave Lamar last December 21, 2020. Hindi man nakuha ni Dave ang pagiging grand winner ng unang season ng “The Voice Kids Philippines” ay nabihag naman nito ang puso ni Morissette although sa simula ay inayawan ito ng ama ng singer-songwriter na si Amay Amon.

Tulad ni Lyca Gairanod ng “The Voice Kids Philippines” Season 1, si Morissette ay nasa team din ni Coach Sarah (Geronimo) in 2013 at pagkatapos dito ay nagtuluy-tuloy na ang pamamayagpag ng kanyang singing career.

Although 24 years old pa lamang si Morissette, she’s marrying her fiancé na si Dave sa isang taon.

Si Morissette na isang Cebuana ay isa sa mga Homegrown Divas ng “ASAP Natin `To” ng ABS-CBN.

Subscribe and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook: @asteramoyo and Twitter: @aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger