Home>Entertainment>Showbiz>Arthur, Rochelle sa bahay nagdiwang ng anibersaryo
Showbiz

Arthur, Rochelle sa bahay nagdiwang ng anibersaryo

KAHIT magkasama sa bahay, nagpalitan pa ng sweet messages sa kanilang social media accounts ang Kapuso couple na sina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan sa pagdiriwang ng kanilang third wedding anniversary noong August 8.

Sa Instagram post ay ibinahagi ni Arthur ang mga larawan nila ng asawa na kuha sa kanilang travels sa iba’t ibang panig ng mundo, “Before this day ends, I want to thank the good Lord for all the blessings we have received. Happy 3rd wedding anniversary ulit, @rochellepangilinan. Thank you sa masayang araw. Nagawan natin ng paraan i-celebrate kahit simple pero masaya and with Shiloh pa! Apir!”

Larawan naman ng kanilang 1st wedding anniversary date ang ipinost ni Rochelle na aniya ay memorable para sa kanila dahil ipinagbubuntis pa niya noon ang baby nilang si Shiloh. “Napaka memorable sa ‘tin nito kaya ito and pinost ko kasi buntis ako at 1st wedding anniversary celebration natin. Today, 3 years na tayo! Staycation tayo! Pero sa bahay muna at mag-date or dinner pero sa garahe muna. Kahit saan, ang importante magkasama tayo at kasami si God sa lahat. I love you sooo much @arthursolinap! Thank you for making me happy every day at sa pagiging supportive husband sa lahat ng plano at ginagawa ko.”

Napapanood si Arthur sa award-winning comedy sitcom na ‘Pepito Manaloto’ tuwing Sabado, habang si Rochelle naman ay gumaganap bilang Agane sa ‘Encatadia’, na may rerun mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.