Home>Entertainment>Showbiz>ASAP Grand Welcome for Sarah

ASAP Grand Welcome for Sarah

Sarah Geronimo

MASAYANG sinalubong ang pop superstar na si Sarah Geronimo ng kanyang mga kasamahan at ng studio audience sa “ASAP Natin `To” last Sunday kaya hindi napigilan ang mapaiyak at magpasalamat sa lahat ng suporta at bumati sa kanya bilang si Mrs. Matteo Guidicelli.

Her colleagues sa “ASAP Natin `To,” mga kasamahan sa industriya, fans and supporters and the public in general ay masaya para kay Sarah at sa husband nitong si Matteo except for Sarah’s parents na sina Delfin at Divine Geronimo who disapprove  of their daughter’s union to the singer-actor.

Kahit kakakasal lang nina Sarah at Matteo last February 20 sa pamamagitan ng isang intimate secret Christian wedding ceremony sa Victory church in BGC officiated by Pastor Paolo Punzalan (brother of US-based actress Princess Punzalan), nag-report pa rin ang bagong mag-asawa sa kanilang trabaho.

Si Sarah ang nag-open ng “ASAP Natin `To” last Sunday sa pamamagitan ng kanyang rendition ng “Dancing Queen” ng Abba.

Makati City Pabakuna

Bukod sa kanyang recent wedding with Matteo, may dalawa pang special events sa buhay ni Sarah ang sini-celebrate sa programa, ang kanyang 17th anniversary  in the industry at ang pagpalo sa 100M mark ng kanyang “Tala” hit music video on YouTube.

Si Sarah ang tinanghal na grand winner ng “Star For A Night” TV singing competition on March 1, 2003.

Kitang-kita ang kakaibang glow ni Sarah ngayon magmula nang ito’y maging Mrs. Guidicelli.

Magiging kumpleto siguro ang kaligayahan ni Sarah kung pati ang kanyang mga magulang ay magiging masaya para sa kanila ni Matteo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger