Home>Lifestyle>People and Places>Bagong Masters Graduates, naitala sa Universidad de Manila (UDM)
People and Places

Bagong Masters Graduates, naitala sa Universidad de Manila (UDM)

UDM Masters Graduates
Ang mga nagsipagtapos ng kursong Master in Public Management and Governance (MPMG) ng Unibersidad de Manila (UDM). (Nakaupo mula sa kaliwa) : Aldie Fajardo, Andrew Tinao, Valiant Baguio, Willie Uson, Alvin Fidelson, Francis Galicia.(Nakatayo mula kaliwa) Stephanie Calderon Ballarta, Rosemarie Collantes, Lesley Lopez, Duchess Sison, Dan Aragon Retota, Sheryl Padilla-Tala at Joy Richelle Tumbali-Villareal. (JERRY S. TAN)

MATAGUMPAY na nagsipagtapos ng kursong Master’s Degree in Public Management and Governance (MPMG) ang mga kawani mula sa iba’t- ibang ahensya ng pamahalaan sa Universidad de Manila (UDM) kamakailan lamang.

Ginanap ang naturang Mid-Year Commencement Exercises Ng UDM Institute of Graduate and Professional Studies (IGPS) sa Manila Hotel Centennial Hall noong Nobyembre 22, 2022.

Kabilang sa mga itinalaga ng Unibersidad sa kanilang Master’s degree program sina: Aldz Fajardo, Andrew Tinao, Valiant Baguio, Willie Uson, Alvin Fidelson, Francis Galicia, Stephanie Calderon Ballarta, Rosemarie Collantes, Lesley Lopez, Duchess Sison, Dan Aragon Retota, Sheryl Padilla-Tala at Joy Richelle Tumbali-Villareal.

Ayon Kay Alvin Fidelson, kasalukyang hepe ng Corporate Communications ng PHLPost, malaki ang kanilang pasasalamat sa Unibersidad de Manila (UDM) at sa pamahalaang lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Mayor Honey Lacuna at President Felma Carlos-Tria, upang sa ganitong pamamaraan ay mabuksan ang pintuan sa mga bagong oportunidad upang maingat ang antas at propesyonalismo ng mga naglilingkuran sa pamahalaan.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.