Home>News>Provincial>Biktima ng bagyo sa Upi, Maguindanao, nabigyan ng tulong mula sa iba’t-ibang sektor
Provincial

Biktima ng bagyo sa Upi, Maguindanao, nabigyan ng tulong mula sa iba’t-ibang sektor

Kiwanis Relief Operations

Camp Siongco, Awang, DOS, Maguindanao del Norte – Namigay ang Kiwanis International Philippine South District ng mga relief goods sa inilunsad nilang relief operations sa Barangay Nuro Upi, Maguindanao kasama ang 57th Infantry (Masikap) Battalion nitong umaga ng Sabado, November 5, 2022.

Mga residente na nasa Sitio Happy Valley ng Barangay Nuro, Notre Dame of Upi at St. Francis Episcopal School of Upi ang masayang tumanggap ng mga relief goods mula sa pribadong sektor.

Kiwanis Relief Operations

Nasa 1,288 relief goods, 200 galon ng tubig, 1,400 hygiene kits, 50 relief goods na nasa balde, 500 relief goods na may lamang medisina, 372 Purefoods ready-to-eat packs mula sa San Miguel Corporation, mga pagkain at isang KM 250 puno ng preloved clothes ang ipinamahagi ng kanilang organisasyon sa mga biktima ng typhoon Paeng.

Kaagapay ng relief goods distribution ang Office to the Vice Governor Jayvee Tyron Uy ng Davao de Oro, City Government of Tagum, Philippine Federation of Local Councils of Women, Business and Professional Women Davao Chapter, South Divers Point Sarangani, ECCan Project, 6th Infantry (Kampilan) Division, 10th Infantry (Agila) Division, at 10th Civil-Military Operations (Kalinaw) Batalion.

Kiwanis Relief Operations

Ikinagalak naman ito ni Lieutenant Colonel Guillermo Mabute, Jr., Battalion Commander ng 57IB sa tulong na ipinaabot ng pribadong sektor sa mga nangangailang residente.

“Sa mga kasapi ng Kiwanis International, maraming salamat sa inyong tulong na nagbigay saya sa mga residente dito”, ayon kay Lt. Col. Mabute, Jr.

Ipinarating naman ni Major General Roy Galido, Joint Task Force Central at 6ID Commander ang kanyang pasasalamat sa mga stakeholders.

“Tinitiyak naming sa inyo ang aming buong suporta sa darating pa ninyong mga relief operations”, pahayag ni Maj. Gen. Galido.

Kiwanis Relief Operations

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph