Home>News>Metro>Binata timbog sa bitbit na shabu, MJ sa Taguig

Binata timbog sa bitbit na shabu, MJ sa Taguig

HULI na nang itapon ng 20-anyos na binata ang bitbit na shabu at marijuana matapos niyang mamataan ang papalapit na mga pulis na nagsasagawa ng “Oplan-Sita” Martes ng madaling araw sa Taguig City.

Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ni Christian Villareal, residente ng Durian Ext. Katuparan, matapos makumpiska sa kanya ang 2.0 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600 at isang plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 1.3 gramo.

Lumabas sa imbestigasyon ni P/SSgt. Rodolfo Garcia, Jr. na habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Taguig Police Sub-Station 9 sa kahabaan ng Villa Light St., Bgy. Hagonoy, namataan nila si Villareal na naglalakad sa madilim na bahagi ng lansangan dakong 12:40 a.m.

Makati City Pabakuna

Nang lapitan ng mga pulis, biglang itinapon ng suspek ang hawak na plastic na lalagyan ng iligal na droga subalit huli na dahil namataan na ang ginawa niyang pagtapon sa hawak na supot na plastic.

Nang suriin ng pulisya ang laman ng supot, nakita rito ang iligal na droga na naging dahilan upang kaagad siyang arestuhin.

Publication Source :    People's Tonight