Home>News>Provincial>CALABARZON Most Wanted Person sa dalawang Kaso ng Sexual Offenses, Arestado sa Manhunt Operation
Provincial

CALABARZON Most Wanted Person sa dalawang Kaso ng Sexual Offenses, Arestado sa Manhunt Operation

CALABARZON Most Wanted Person

Camp BGen Paciano Rizal – Arestado sa manhunt operation ng Laguna PNP noong Martes, March 5, 2024, ang most wanted person, Regional level, na sangkot dalawang kaso ng panggagahasa.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director PCOL GAUVIN MEL Y UNOS ang mga akusado na si alyas Ronald, 30 year old na ninirahan sa San Pablo City, Laguna.

Ang operasyon, na isinagawa sa Taytay, Nagcarlan, Laguna bandang 2:00 ng hapon noong March 5, 2024, ay nagresulta sa pagkaaresto ng akusado batay sa warrant of arrest na inilabas ng Family Court, 4th Judicial Region, Branch 7, San Pablo City, Laguna noong ika-26 ng Pebrero, 2024. Ang mga kasong isinampa laban dito ay statutory rape na walang nirerekomendang na piyansa at sexual abuse in relation to RA 7610 (Anti-Child Abuse Law) na may inirekomendang piyansa na P200,000.00.

CALABARZON Most Wanted Person

Ayon sa ulat ni Nagcarlan Municipal Police Station Chief PMAJ PAUL RAYMUND R AYON, ang manhunt operation na ito ay resulta ng maingat na information gathering at ng pagtukoy na ang akusado ay matatagpuan sa nasabing lugar.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Nagcarlan MPS ang akusado habang ang korte na pinagmulan ng warrant ay iimpormahan sa pagkakaaresto ng akusado.

Si alyas Ronald ay isa sa dalawang most wanted persons ng CALABARZON sa kasong rape at isa sa pitong wanted persons na naaresto ng Laguna PNP noong ika-5 ng Marso, ngayong taon.

Sa isang pahayag, binigyang diin ni PCOL UNOS ang tagumpay ng operasyon at ipinakita ang dedikasyon ng kapulisan sa pagpapanatili ng katahimikan at katarungan sa komunidad. Aniya, “Ang ating pagtutok sa pagsugpo sa mga kriminal na sangkot sa mga kaso ng pang-aabuso, lalo na laban sa mga menor de edad, ay patuloy na magiging prayoridad ng Laguna PNP.” Ang kasong ito ay naglalarawan ng resolusyon ng kapulisan na labanan ang krimen at itaguyod ang kaligtasan ng mamamayan. #gtgtalampas

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph