Home>News>Provincial>CALABARZON’s Most Wanted Person sa kasong rape, arestado sa Manhunt Operation sa Quezon Province
Provincial

CALABARZON’s Most Wanted Person sa kasong rape, arestado sa Manhunt Operation sa Quezon Province

CALABARZON Most Wanted Person

Camp BGen Paciano Rizal – Sa isang matagumpay na manhunt operation naaresto ng Laguna PNP ang most wanted person (MWP) sa kasong rape sa Quezon Province noong Martes, ika-5 ng Marso, 2024.

Kinilala ni Laguna Provincial Director PCOL GAUVIN MEL Y UNOS ang akusado na si alyas Mar, 20 years old at naninirahan sa Calauag, Quezon.

Batay sa ulat ni Binan Component City Police Chief PLTCOL JONATHAN ROBERT C RONGAVILLA, naaresto nila ang akusado sa mahunt operation na isinagawa ng kanilang kapulisan bandang 8:10 PM noong ika-5 ng Marso, 2024, sa Brgy. Mambaling, Calauag, Quezon.

CALABARZON Most Wanted Person

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court, Branch 154, Biñan City sa kasong rape na walang rerekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Binan CCPS ang akusado habang ang korte na pinagmulan ng warrant ay iimpormahan sa pagkakaaresto ng akusado.

Isa si alyas Mar sa dalawang most wanted persons ng CALABARZON na may kasong rape at isa sa pitong wanted persons na naaresto ng Laguna PNP noong ika-5 ng Marso, ngayong taon.

Sa pahayag ni PCOL UNOS, “Ang pag-aresto na ito ay nagpapakita ng mahusay na koordinasyon at determinasyon ng ating kapulisan. Ang pagsugpo sa krimen, lalo na ang mga kaso ng pang-aabuso, ay teritoryo natin. Sa pagkakaisa at pagtutulungan, patuloy nating pangangalagaan ang seguridad at katarungan sa ating komunidad.”

Sa harap ng mga kaganapan, nananawagan si PCOL UNOS sa ating mga mamamayan na maging masigasig sa pagsuporta sa mga hakbang ng kapulisan para mapanatili ang kaayusan. “Hinihikayat namin ang lahat na maging mapanagot at magbigay ng impormasyon ukol sa mga posibleng kriminal sa ating paligid. Sa pagkakaisa, magtagumpay tayo laban sa krimen,” aniya. #gtgtalampas

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph