Home>News>Nation>Caloocan Konsehal may arrest warrant

Caloocan Konsehal may arrest warrant

Warrant
Ang arrest warrant na inisyu ng Caloocan RTC Branch 126 laban sa konsehal

PINAGHAHANAP ngayon si Konsehal Alexander Mangasar ng Caloocan City matapos lumabas ang warrant of arrest na inisyu laban sa kanya ng Caloocan RTC Branch 126.

Ang arrest warrant na inisyu ng Caloocan RTC Branch 126 laban sa konsehal.

Ang nasabing warrant ay para sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Department of Justice (DOJ).

Si Mangasar ay may pagkakautang umano sa BIR na nagkakahalaga ng kabuuang P8,385,754.94, na nahahati sa P6,969,750.82 na income tax at P1,416,004.12 na value added tax, kasama na ang penalty at interest, na hindi nabayaran ng kanyang kumpanyang Xander Marketing noong taong 2011.

Inilabas ni Acting Presiding Judge Misael Ladaga noong Lunes, ika-8 ng Pebrero ngayong taon, ang warrant of arrest.

Itinaya ni Ladaga ang bailbond na P60,000 para sa temporary liberty ni Mangasar.

Makati City Pabakuna

Ang reklamong tax evasion ay isinampa nina revenue officers na sina Marilyn Alonzo, Teresita Origen at John Daniel Cruz matapos umanong hindi pansinin ni Mangasar ang kanilang demand na bayaran ang orihinal na mahigit P1.3 milyon na pagkakautang umano ng Xander Marketing sa BIR.

Si Mangasar ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 255, Chapter 2 ng National Internal Revenue Code of the Philippines (NIRC).

Unang inimbestigahan ang Xander Marketing noong 2013. Sa kabila ng demand ng BIR-Caloocan na kanyang bayaran ang pagkakautang ng kanyang kumpanya, ay hindi pa umano ito nabayaran ni Mangasar.

Pormal na isinampa ng Caloocan City Prosecutor’s Office ang reklamo sa DOJ noong2019.

Si Mangasar ay kilalang kaalyado sa politika ni Cong. Egay Erice mula sa ika-2 Distrito ng lungsod.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapa-abot ng salita ukol sa asunto si Mangasarat kahit sa social media.