Home>News>Provincial>Cavite POGO bldg. gagawing COVID-19 isolation facility

Cavite POGO bldg. gagawing COVID-19 isolation facility

IMUS CITY, Cavite — Pansamantalang gagawing isolation facility para sa mga COVID 19 patients ang nakatiwangwang na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) Facilities sa Barangay Palico IV.

Ayon kay Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, dahil sa dumarami ang bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa, maging ang Lungsod ng Imus ay nagiging problema na rin dahil puno na ang anim na ospital kaya naisipan na pansamantalang ipagamit ang nakatiwangwang na POGO building.

Ang pasilidad ay orihinal na itinayo para sa mga in-house POGO employees, ngunit dahil pandemya at hindi operational ito ay nakipag-usap ang Imus LGU para arkilahin ang pasilidad at pansamantala ay gawing isolation facility at step down facility ng lokalidad.

Makati City Pabakuna

Inaasahang makakapagsimula ng pormal na operasyon sa susunod na linggo.

Naglalaman ang pasilidad ng 141 bed capacity na kayang mag-accommodate ng apat na pasyente sa isang kwarto, katumbas ng halos 584 na pasyente.

Inaasahang ilalabas ng DOH Region 4A ang accreditaion ng pasilidad para ito magamit.

Publication Source :    People's Tonight
Dennis Abrina
Native of Poblacion, Kawit, Cavite