Home>Editorial>Opinion>Check and balance sa numero ng COVID patients

Check and balance sa numero ng COVID patients

TAMA lang ang pagso-sorry ni Anti- COVID czar Sec. Galvez kay Quezon Congresswoman Helen na isang doctor by profession.

Kinumpirma ni Galvez na walang nilabag na polisiya si Doc Helen nang mabakunahan ito sa unang rollout ng Sinovac kaya mali ang mga lumabas na ulat na kasama ito sa mga iimbestigahan.

Nagamit pa sa pulitika ang pagkasama ni Doc Helen sa listahan ng mga nabakunahan sa Veterans Hospital gayong non-issue naman sana ito.

Una, hindi naman nabubura ang pagiging duktor ng kongresista kaya sa tingin natin, nagpataas sa tiwala ng publiko ang pagkakasama niya sa mga unang nabakunahan.

Huwag nating kalimutan na ang mga duktor sa PGH, NKTI, Jose Reyes Memorial Hospital, St. Lukes, Mandaluyong Medical at kung saan-saan pa na nagpabakuna ang dahilan kung bakit biglang tumaas ang bilang ng mga gusto nang magpaturok ng bakuna mula sa Tsina. At isa si Doc Helen sa puwedeng sabihing naging bahagi ng confidence building measure ng gobyerno para kumbinsihin ang publiko.

Officer and gentleman si Sec. Galvez sa paghingi ng dispensa kay Doc Helen dahil kung hindi ito nangyari, malamang may mga buwitre sa Quezon province ang naglalaway sa isyu.

***

Kung kailan dumarami na ang dumating na bakuna, siya namang pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-COVID.

Makati City Pabakuna

Hindi natin alam kung may kinalaman ba ito sa sindikatong nabunyag na ang bawat isang COVID patient na maitala sa ospital, may katapat na P750,000 reimbursement sa Philhealth.

Saan kaya makakaasa ng check and balance ang publiko para malaman kung totoo ang mga numero na lumalabas? Una, bawal lapitan ang pasyente dahil nga isolated, pangalawa, kung lulubha at mamamatay, bawal namang suriin ng mga forensic expert at lalo ring bawal paglamayan dahil susunugin agad.

May mga naunang reklamo ang ibang miyembro ng pamilya na kahit sumakit lang ang tiyan or natibo lang sa paa, COVID na agad ang deklarasyon na ikinamatay.

Wala bang paraan ang gobyerno na bumuo ng indepdendent forensic expert para suriin talaga ang mga pasyenteng sinasabing namatay dahil sa COVID para naman may laban ang tax payers?

Baka masyado nang nagmamadaling ubusin ng sindikato ang P28 billion Philhealth funds bago pa mabakunahan ang majority ng ating mga kababayan?

Hindi naman sana.

allanpunglo@gmail.com

 

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV