Home>Entertainment>Showbiz>Cherie gusto nang mag-retire dahil kay Charlie Dizon

Cherie gusto nang mag-retire dahil kay Charlie Dizon

Charlie Dizon
Charlie Dizon

CHARLIE Dizon is now the actress of the hour.

This after winning the Best Actress award in the recently-concluded Metro Manila Film Festival 2020. Nagpanalo sa kanya ang mahusay niyang pagganap sa pelikulang ‘Fan Girl’ na nanalo ring best picture. Sa pelikula ni Antoinette Jadaone, siya si Jane, ang number one fan ni Paulo Avelino. Iba’t-ibang emosyon ang ipinakita niya sa nasabing pelikula. Mula sa kanyang kahibangan bilang fan girl hanggang sa pagkakatuklas niya sa tunay na ugali ng kanyang idolo, makatotohanan ang atake niya sa kanyang karakter. Kaya maging ilang artista at direktor ay nagpahayag din ng kanilang paghanga at suporta sa young actress.

Sa Facebook post ng award-winning director at writer na si Joey Reyes, “Charlie (is an ample proof) that the pandemic has created major changes in the ‘star system’ in this country.” Maging si Cherie Gil ay nagpahayag sa kanyang social media post. Aniya, “(Charlie) just seemed to have popped out of nowhere! But she sure has broken the mold of performances from the new breed and took it to another level. (An amazing level). Makes me want to retire… from acting.” Napahanga rin niya ang kanyang kaibigan na si Nancy of Momoland.

Makati City Pabakuna

Walang duda na si Charlie ang isa sa mga breakthrough star ng 2020. Pero mas magningning pa kaya ang bituin ng aktres ngayong 2021? O magiging “one time, big time” lang ang pagkapanalo niya bilang filmfest best actress? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

Publication Source :    People's Journal