Home>Entertainment>Showbiz>Clint ‘di pa maka-move on kay Catriona?

Clint ‘di pa maka-move on kay Catriona?

Catriona Gray

MARAMI ang nagsasabi na tila hindi pa rin nakakapag-move on ang Fil-German model-actor na si Clint Bondad sa kanilang break-up ng kanyang ex-girlfriend of six years, ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray kung pagbabasehan ang mga post nito sa kanyang Instagram account.

Marami rin ang nagulat sa naging sagot nito sa isang netizen na nagtanong sa kanya kung kumusta na ang kanyang kontrata sa GMA na agad niyang sinagot na sinunog umano niya.  And most recently ay tila may pinatatamaan siya sa kanyang post kung saan niya nabanggit ang pangalang Sam na pinaniniwalaan ng marami na ito ay ang  singer-actor na si Sam Milby na siyang nauugnay ngayon sa dating kasintahan na si Catriona.

Makati City Pabakuna

Bago pa man tinanghal na Miss Universe si Catriona nung 2018 ay on the rocks na umano ang relasyon nito kay Clint at nung February 2019 ay inamin ng dating beauty queen na break-up na sila ng dating boyfriend.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger