Home>Editorial>Miscellaneous>Comelec: High voter turnout, inaasahan sa Marawi plebiscite
Miscellaneous

Comelec: High voter turnout, inaasahan sa Marawi plebiscite

Kumpiyansa ang Commission on Elections (Comelec) na magkakaroon ng high voter turnout ang idinaraos na plebisito para sa pagbuo ng dalawang barangay sa Marawi City nitong Sabado.

“Mataas po ang nakikita naming voter turnout,” ani Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, na nagsabing ang naturang plebisito ang kauna-unahang eksklusibong local electoral exercise na idinaos sa Marawi.

Nakatakda aniyang magdesisyon ang mga residente ng Marawi City kung pabor sila o hindi sa paglikha ng Barangay Boganga II at Barangay Datu Dalidigan, kasunod na rin nang pagdami ng internally displaced persons (IDPs) doon.

Sinabi ni Laudiangco na target nito na magkaroon ng permanent local government unit ang mga nadagdag na tao dito sa dalawang barangay.

Naging manu-mano ang idinaos na botohan na sinimulan dakong alas-7:00 ng umaga at inaasahang magsasara dakong alas-3:00 ng hapon.

Itchie G. Cabayan
DIRECT HIT entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to [email protected] or text 0917-3132168.