Home>News>Nation>Congress probe sa inspection fee ng mga PMVIC hiniling

Congress probe sa inspection fee ng mga PMVIC hiniling

NANAWAGAN na rin sa Senate at House of Representatives si Boy Evangelista, president ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC), na magsagawa ng investigation sa paniningil ng P1,800 inspection fee ng mga Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) na binuksan ng Department of Transportation at Land Transportation Office.

Sa ginawang press conference sa Quezon City, sinabi ni VACC president Arsenio Boy Evangelista, car dealer at road safety advocate, na nagtataka siya kung bakit pinayagan ng DOTr-LTO ang pagtatayo ng mga bagong PMVIC gayong hindi naman ito dumaan sa public bidding.

Ayon pa kay Evangelista, ipinatupad din ang operation ng PMVIC ng walang consultation kaya walang transparency at ibinigay din sa mga private operators.

Sa reklamo ng mga vehicle owners na nagtutungo sa unang binuksan na PMVIC sa Pampanga, hirap umano silang magpasailalim sa road worthiness ng kanilang mga sasakyan dahil sa dami ng volume ng pumipila.

Makati City Pabakuna

Ayon kay Evangelista, hindi umano kayang i-accommodate ng mga bagong PMVIC ang dami ng mga sasakyan kumpara sa bilang ng mga ito at kapag hindi pumasa ay ituturo pa sila sa existing private emmision testing centers na siyang mayroong link sa system na matagal nang ginagamit ng LTO.

Nauna na ring nanawagan ng investigation si Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), sa Kongreso, dahil nag-ooperate na ang pinasinayaang PMVIC ng LTO noong Disyembre 22, 2020 pero hindi pa pala linked ang system nito sa LTO Main Office.

Ayon naman kay Dr. Larry Pitpit, nagsagawa ang kanilang grupong Clean Air Movement of the Philippines Incorporated (CAMP), ng nationwide protest na busina kung saan hinihikayat na bumusina ng malalakas ang bawat sasakyang dadaan sa mga tanggapan ng LTO, DOTr at PMVIC sa buong bansa para maiparating daw kay Pangulong Duterte ang kanilang reklamo.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight