“As in water face reflects face, so the heart (or budget) of man reflects the man.” – Proverbs 27:19
Pinagaganda ninyo ang ating paliparan para sa mga banyaga at kababayan nating may pera, ngunit wala namang makain ang higit na nakararami sa atin. Ano po ang saysay ng magarang airport sa milyon milyong Pilipino na naghihirap, wala ni pamasahe papunta ng palengke?
At kung magkaroon man sila ng pamasahe, ano ang gagawin nila sa palengke kung wala naman silang perang pambili? Mamalimos? Magnakaw? Hindi ba isang uri ng pagbebenta ng kaluluwa sa pribadong sektor ang ginawa ninyo sa ating inang bayan? Pero teka, sino po ba ang magnanakaw o mga totoong magnanakaw?
Ginagawa ninyong moderno ang ating mga pampublikong sasakyang panlupa, di baleng mamatay sa gutom ang ating mga drivers at maliliit na operators, at di bale ring maibaon na sa limot (o hukay) ang sarili nating kultura at Tatak Pinoy na nakatatak sa kakaiba, artistiko at romantikong Filipino jeepneys na tumatakbo sa lansangan. Ako po ay labis na napamahal sa mga ito, lalo na kung lilingonin ko ang aking kabataan. Kailan pa naging jeep ang minibus? Sa pangalan pa lang ay mali na, may panlilinlang. Liko.
Gusto ninyong ilagak ang pera ng Philhealth sa sugal/negosyo o sa Maharlika Investment Fund, gayong nagkakamatayan na nga ang mga may sakit na walang pambayad sa ospital. Wala ngang mapuntahang ospital/klinika ng pamahalaan ang milyon-milyon nating kababayan sa kanayunan, lalo na sa mga liblib na lugar sa halos lahat ng lalawigan. Ang tubig nilang iniinom ay galing pa sa balon ni Abraham at Jacob.
Isang malaking kahangalan na magkaroon ng reserbang pondo o malahiganteng halaga ng piso ang Philhealth na hindi nagagamit. Kung totoo yan, hindi ba kabaliwan ang dapat na lapatan ng lunas?
Naglalaan kayo ng bilyon bilyong piso na budget taon-taon para sa mga ahensya (at “task force”) ng gobyerno upang kulayan lamang nila ng pula at paslangin ang mga nagugutom, naghihikahos at nagpoprotesta sanhi ng kahirapan at dahil sa kapabayaan, kasamaan, pagmamalupit at pagiging ganid ng mga nasa kapangyarihan.
Pang aagaw raw ng kapangyarihan ang pakay ng mga nagdurusa at biktimang naghihinaing, maging sila na mapagkalinga sa kapwa at sumasalungat sa mga kabuktutan. Ngunit paano ba sila makapag aagaw ng kapangyarihan upang patalsikin ang gobyerno samantalang wala nga sila kahit makain? Maging karapatang pantao at karapatan upang mabuhay ay tinanggalan na rin sila. Anong kapangyarihan ang maaaring agawin ng mga walang kapangyarihan? Haling.
Pag Isipan mo po ito, mahal na Pangulo: Walang bagay na naisasaayos kung saan ang inaayos o unang inaayos ay ang mga maling bagay.
Walang problemang nalulutas kung saan ang nilulutas o unang nilulutas ay ang mga maling problema, problema na ang kalutasan (sa totoo lang) ay natural na darating bilang resulta lamang ng nalutas at naisaayos na mga totoong problema o ugat ng problema, problemang dapat na unang pinagtutuunan ninyo ng pansin — nang buong lakas, sipag, tapang, talino, karunungan, kabutihan, katapatan, kalinisan ng puso (at pitaka) at pagpipitagan sa Diyos.
Gawin po natin ang lahat, ginoong Pangulo, ngunit upang malutas ang problema, hindi upang lumala.
If you are a medical doctor, dear BBM, there’s no way for you to heal your patient if all that you do is merely and simply prescribing antibiotics all the time when the patient needs immediate surgical operation.
You cannot solve any problem of the country, dear leaders of the land, because what you’ve been doing and trying so hard to do until now is just, only and always to apply “cosmetic solutions” to the problems. Lihis. Ang babaw. Ang kapritso. Kawaldasan.
Meanwhile, commenting on the sensible suggestion of Senator Miguel Zubiri to reconvene the bicameral conference committee, vis-a-vis the “approved” abominable 2025 Corruption Budget, House Deputy Speaker, David Suarez retorted, “There is no need to reconvene the bicameral conference. We are satisfied with the final versions of the budget.”
But, sir, can I rebut: You are all very much satisfied, in fact. And, bull’s eye, that’s exactly, precisely, obviously, definitely why the budget or “budget” needs a second, third or fourth, fifth look (for overhaul) — to tame official “satisfaction” or greed, together with official inanities and insanities — so that every budget will really serve and bless the nation and our people, not to fatten crooked pockets and let it go to waste and dump trucks.
It is heartening that President Marcos Jr. vows to restore the original proposed budget for the Department of Education. But what about the unthinkable, unconscionable slashed budget of our state universities (and others). Again, it looks like NTF-ELCAC related. Absurd, savage, as usual.
I am glad and thankful for being a product of public schools and a state university. Ngunit ano po ba kayo? Why talk just about adjusting the DepEd budget when there is so much to fix and overhaul about the budget (or “budget”) in its entirety? “Everyone can make a mistake, that’s why pencils have erasers.”
Indelible ink po ba ang ginamit ninyo? Well, kung magkagayon, kayo pala ang dapat na ayusin at ituwid.





