Home>Entertainment>Showbiz>Dalawang celebrity kids sabay nagdaos ng birthday
Showbiz

Dalawang celebrity kids sabay nagdaos ng birthday

Zia Dantes and Ellie Eigenmann
Zia Dantes and Ellie Eigenmann

DALAWANG celebrity kids ang nagdaos ng kanilang kaarawan last Monday, November 23, sina Zia Dantes (Maria Letizia Dantes) at Ellie Eigenmann (Adrianna Gabrielle Eigenmann). Zia turned 5 years old habang nine naman si Ellie.

Si Zia ay panganay sa dalawang anak ng mag-asawang Dingdong Dantes Marian Rivera habang si Ellie naman ay anak ng mag-ex na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. Andi is now pregnant with her third child, her second sa kanyang present partner, ang Siargao-based surfer na si Philmar Alipayo.

Sa kabila ng pagiging hiwalay na nina Andi at Jake, they’re co-parenting Ellie at hindi nagpapabaya ang TV host-actor sa kanyang responsibilidad bilang ama sa kanyang anak.

Bagong online video platform inilunsad

IT was last November 21 (Saturday) when Tencent Video’s (China’s leading online video platform with over 100 million paid subscribers) WeTV Philippines launched its local market kung saan mapapanood ang contents mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, India, China, Thailand at iba pang Asian countries and regions.

Ang kauna-unahang Filipino material na mapapanood sa WeTV ay ang top-grossing Metro Manila Film Festival movie na “Miracle in Cell No. 7,” (a local adaptation ng hit Korean movie of the same title) na tinampukan nina Aga Muhlach, Xia Vigor at Bela Padilla na dinirek na Nuel Naval under Viva Films. Ito’y nakatakdang ipalabas ngayong Biyernes, November 27.

Ang iba pang WeTV originals (from the Philippines) include “Section St. Valentine: The Disappearance of Divine,” isang dark teen drama tungkol sa senior high school students which will premiere in January 2021, ang “BetCin,” isang GL story tungkol sa isang lesbian couple, Beth & Cindy, ang “B&B: The Story of Battle of Brody and Brady” isang modern day romantic comedy na tinatampukan nina Iza Calzado at Ian Veneracion mula sa direksiyon ni Mark Reyes and line produced ng Sanggre Productions nina Iza, Sunshine Dizon, Karylle, Diana Zubiri at Direk Mark Reyes. Ito’y nakatakdang mapanood simula in February 2021. Nariyan din ang “The Anatomy of Loneliness,” kuwento ng isang simpleng guy na nagngangalang Mamon na may isang pangarap, ang makuha ang puso ng kanyang muse na si Nene.

Bukod sa mga Filipino originals, mapapanood din sa WeTV ang iba pang popular content mula sa ibang Asian countries including China, Thailand, Indonesia, Malaysia, Vietnam and India.

Si Georgette Tengco ang tumatayong country manager ang WeTV Philippines.

Para mapanood ang Asian Premium Content ng WeTV ay mangyari lamang i-download ang WeTV app mula sa App store and Google play. Ang monthly subscription ay mula sa P59, quarterly at P159 at annual subscription for only P599.

Enzo at Michelle ‘di na itinatago ang relasyon

Enzo Pineda and Michelle Vito
Enzo Pineda and Michelle Vito

BUKAS na ang relasyon ng kapwa Kapamilya talents na sina Enzo Pineda (30) at Michelle Vito (23).

Sa panayam kay Michelle ng “Magandang Buhay,” inamin ng dalaga na ang ilan sa mga katangian ni Enzo na nagustuhan niya ay ang pagiging consistent at matiyaga.

Si Enzo ay dating Kapuso actor at isa sa finalists ng reality-based talent show, ang Starstruck Season 5 na siyang naging daan niya sa kanyang showbiz career. Bago siya lumipat sa Kapamilya network ay may ilang taon din siyang naging bahagi ng GMA Artists Center.

It was only last August nang kumpirmahin ni Enzo ang relasyon nila ni Michelle.

Si Enzo ay anak ng iPACMAN partylist representative na si Enrico Pineda at ang publicist/talent manager na si Macy Pineda.

Aicelle ‘di na mapapanood sa ‘All-Out Sundays’

NAKA-MATERNITY leave na ang Kapuso singer-songwriter at stage actress na si Aicelle Santos-Zambrano sa pagiging bahagi ng “All Out Sundays,” ang Sunday musical variety show ng GMA. Nakatakda na nitong isilang anyday in December ang kanilang first baby ng husband niyang news anchor and sports correspondent na si Mark Zambrano.

The couple got engaged in March 2018 and got married nung November 16, 2019. Ang kanilang magiging first baby they named Zandrine ay advance precious Christmas gift sa mag-asawa.

Super Tekla hindi pinabayaan ng GMA.

NAGPAPASALAMAT ang comedian-host na si Super Tekla na hindi umano siya iniwan ng GMA at ng kanyang mga kasamahan sa trabaho sa gitna ng kontrobersiya between him and his ex-partner na si Michelle Lhor Bana-ag (with whom he has a 5-month old baby) na nagsumbong pa sa programa ng popular radio/TV broadcaster and YouTuber na si Raffy Tulfo.

Napapanood pa rin sa GMA ang programang comedy talk show na “The Boobay and the Tekla Show” na pinagsasamahan nila ng kapwa niya comedian na si Boobay (Norman Balbuena).

Subscribe, watch and like “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram @asteramoyo