Home>Editorial>Opinion>Dapat tumulong sa paglutas ng krimen at bagong DILG undersecretary?

Dapat tumulong sa paglutas ng krimen at bagong DILG undersecretary?

SAkasamaang palad,” dear readers, “nabiktima” ng ‘Budol Gang’ ang aking ina noong umaga nang Enero 5, sa San Pablo City, Laguna, kung saan “natangay” ng mga hinayupak ang dala niyang P13,000, na galing naman sa kanyang buwanang “pensyon.

Nagpapasalamat naman tayo sa tulong na ibinigay ng ating mga kapatid sa media sa aking ina, sa aming barangay chairman na si Kap. Ernesto Carreon at higit sa lahat, sa lokal na pulisya, sa pangunguna ni COP Elmer Bao.

Ayon pa sa aking ina, “maganda” naman umano ang ginawang pagtulong sa kanya ng mga tauhan ng SPC-PNP, kung saan sinamahan pa nga siya sa lugar ng pinangyarihan at sa paghahanap ng kopya ng ‘CCTV footages’ na makatutulong upang makilala ang tatlong salarin, bagaman mayroon silang mga ‘face mask.’

Higit isang linggo na ngayon ang insidente subalit wala pa ring ‘development’ sa kaso.

At ito ay hindi dahil “mabagal” ang mga pulis, bagkus, dahil sa ‘red tape’ at “burukrasya” ng mga establisyamento sa pinangyarihan ng krimen na may-ari ng mga CCTV.

Katulad na lang nitong 7/11 convenience store, aba’y ‘five working days’ pa raw ang kailangang dumaan bago sila makapagbigay ng kopya ng CCTV footage sa mga pulis na kailagan pang magsumite ng ‘formal request’ sa kanila.

At mas masahol ang “asal,” Mayor Amben Amante, nitong ‘Community General Hospital’ na ang sagot sa mga pulis ay “pag-aaralan” pa ng ‘management’ kung magbibigay ba sila ng kopya ng kanilang CCTV footages o hindi.

Translation? Hindi obligasyon ng CGH na makipagtulungan sa mga awtoridad!

(Sa nangyaring pagkamatay ni Christine Angelica Dacera sa isang hotel sa Makati City noong Bagong Taon, hindi nakapagtataka na “mabuwisit” din ang PNP sa pamunuan ng hotel dahil “bantulot” pa rin hanggang ngayon na magbigay ng kopya ng kanilang CCTV footage sa Makati Police Office—pero ang mga kasapi ng media, meron, ano ba naman yan?!).

***

Marahil ay panahon na para baguhin natin ang ganitong masamang “kultura” kung saan ang pagtulong sa mga pulis para maresolba ang isang krimen ay ‘optional’ at hindi isang obligasyon.

Makatutulong din siguro, Mayor Amben, kung hikayatin mo ang Sangguniang Panglungsod na magpasa ng isang ordinansa na nag-uutos sa sino mang may CCTV na agarang ibigay sa pulisya ang kopya ng kanilang mga ‘footages’ kapag hiningi ito sa kanila upang makatulong sa pagresolba ng krimen.

At hindi ‘yung ‘they are taking their own sweet time in helping the authorities immediately solve a crime just committed.’

Makati City Pabakuna

At patawan ng parusa kung ayaw, dahil ‘obstruction of justice’ ang kanilang ginagawa, bukod sa ginagawang “tolongges” ang ating mga pulis. Ano sa tingin mo, Mayor Amben?

Partikular dito sa CGH, hindi ba nahihiya ang pamunuan nito na arogante pa ang asal sa mga pulis? Na kailangan pa nilang “pag-isipan” kung tutulong ba sila o hindi?

Pero kapag may problema, pulis din naman ang “tatakbuhan” ninyo, tsk!

Abangan.

***

Nasa mahabang “bakasyon” pala itong ating kaibigan na si DILG Secretary Ed Año, upang magpalakas ng katawan matapos dalawang beses “tamaan” ng COVID-19.

Kaya marahil ay hindi pa rin niya alam ang naibulong sa atin, sa pagitan ng tagay, na may “bago” (daw) na ‘undersecretary’ sa DILG, totoo kaya ito, DILG spokesman at “idol” Usec. Jonathan Malaya?

Ayon sa ating miron, na medyo may “amats” na habang kausap natin, ‘Manuel Lee’ yata ang kanyang pangalan.

Maaring “sablay,” subalit ito ang ating pagkaintindi batay sa paulit-ulit na sinasabi ng ating miron na ang bagong DILG undersecretary ay si “Usec. Meanwhile.

DILG Usec. Meanwhile o Manuel Lee?

At sino kaya ang “lasing” kasi sa amin ng kausap ko? Siya ba o ako, hehehe!

Ikaw ba, DILG Press Corps president, Joel dela Torre, ano ba ang nasagap mo?

Abangan ulit!

Publication Source :    People's Tonight