Home>Entertainment>Showbiz>Dina nagulat sa nadiskubre kay Jay

Dina nagulat sa nadiskubre kay Jay

Dina Bonnevie and Jay Manalo
Dina Bonnevie and Jay Manalo

NAGULAT si Dina Bonnevie sa nadiskubre raw niya sa co-star na si Jay Manalo sa kanilang lock-in taping ng ‘Anak ni Waray vs Anak ni Biday.’

Taliwas sa madalas na gampanang roles aktor, butihin at mapagmahal na ama raw pala ang aktor. Dahil daw kasi malayo sa pamilya noong lock-in taping, hindi nakakalimutan ni Jay na kumustahin ang kanyang mga anak.

Aniya, “I thought he was exactly like the roles he plays, ‘yung babaero, happy-go-lucky but I was surprised that he’s such a cool father pala, he’s such a good dad.”

Pagkukuwento ng aktres, “Every morning, habang nag-mi-makeup ako nandiyan si Jay sa right side kumakain siya ng breakfast kasi magkasunod ‘yung makeup schedule namin. Tapos doon nakikita ko nag-vi-video siya with his son and daughter. Kinakausap niya, nag-vi-video call sila tuwing umaga then he dances while he’s talking to them. Nakakatuwa na may ganitong side pala si Jay.”

In real life, inamin ni Jay na 12 anak siya mula sa iba’t ibang babae.

Samantala, napapanood ang recap ng ‘Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday’, 8PM, sa GMA Telebabad at magsisimula ang fresh episodes nito sa February 8.

Mikee and Kelvin new loveteam to watch

Kelvin Miranda, Mikee Quintos and Paul Salas
Kelvin Miranda, Mikee Quintos and Paul Salas

The lost recipe

TRENDING sa social media ang pilot episode ng pinagbibidahang serye nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda, ang fantasy-romance series na The Lost Recipe nitong Lunes sa GMA News TV.

Nag-number 1 ang hashtag na #TheLostRecipe sa Philippine trends ng Twitter. Kasama rin sa serye sina Thea Tolentino at Paul Salas.

“Very interesting concept. @GMA_PA makes really good teleseryes. It’s provocative, out of the box, and the lead actors are young and underrated but very very good choices! I see huge potential in Kelvin Miranda,” pahayag ni @frostedglory.

Hinangaan din ng netizens ang look ng mga scene pati na rin ang pag-highlight ng serye sa paboritong ulam ng mga Pinoy na adobo.

Makati City Pabakuna

“Grabehan sa cinematography!! Napakaganda!” ani ng netizen na si @drwnslvdr.

Tweet naman ni @AlexLopezPH, “Love the concept of revolving the series around our adobo. Good looking cast, yummy food, great shots, nice music.”

Bukod dito, viewers found a new loveteam to watch in Mikee and Kelvin.

Patikim pa nga lang daw ito ng The Lost Recipe na mapapanood weeknights, 8 p.m. sa GMA News TV.

Lexi may nami-miss kahit nagso-Zoom sila

Lexi Gonzales
Lexi Gonzales

SUPER enjoy ang First Princess ng Starstruck 2019 na si Lexi Gonzales sa kanilang taping ng fantasy rom-com series na ‘My Fantastic Pag-ibig na malapit nang mapanood sa GMA News TV. Marami raw siyang preparations na ginawa para sa proyektong ito. Sa pilot episode, tampok ang tambalan nina Lexi at Kim de Leon (First Prince, Starstruck 2019).

At talaga namang sobrang pinaghandaan ni Lexi ang taping. “I made sure that I had rest and a lot of water. I made sure na inaral ko nang mabuti ang character, ‘yung role na gagampanan ko. And dahil lock-in taping, I brought a lot of stuff na kailangan ko talaga like blankets, towels, soap—lahat talaga dinala ko na! It was super fun and dahil nga I went through all these preparations, easier noong nandun na ako sa set,” sabi ni Lexi.

Samantala, ibinahagi din ni Lexi na patuloy ang communication niya sa fans niya online. Gayunpaman, aminado siyang miss na niya ang face to face sa kanyang supporters kaya sana nga raw ay magkita-kita na sila ulit soon.

“Puro kami Zoom parties and Google Meet parties. Meron kaming GC wherein doon kami nagcha-chat at nagpo-post ng updates. But I really hope na maging okay na lahat soon para makagawa na kami ng actual get-togethers para makapagkita-kita na kami.”

Samantala, mapapanood na ang episode ng tambalang KimLex sa My Fantastic Pag-ibig, ngayong January 30 sa GMA News TV.

Publication Source :    People's Journal
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal