Home>News>Nation>Drug gang member dedo sa engkwentro

Drug gang member dedo sa engkwentro

PATAY sa engkwentro ang isa sa itinuturong miyembro ng “Bayot Baying Drug Group” sa isinagawang buy bust Lunes ng umaga ng mga kagawad ng Sta. Cruz Drug Enforcement Unit (DEU) sa Bgy. Sto. Angel Norte, Laguna.

Batay sa ulat ni PLt. Col. Chitadel Gaoiran, hepe ng Sta Cruz police , kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang suspek na si Lino Malto Ramos @NongNong, 42, residente ng nasabing lugar.

Sa talaan ng pulisya, lumilitaw na napapabilang pa sa drug watch list at isang High Value Individual (HVI) ang suspek kung saan responsable umano ito sa pagtutulak ng droga sa apat na distrito ng lalawigan ng Laguna.

Dakong 11:40 a.m., ayon sa ulat ni Gaoiran, nang magsagawa ng buy bust ang kanyang mga tauhan sa lugar sa pamumuno ni PLt. Laudemer Abang habang isa sa mga ito ang nagpanggap na poseur buyer.

Makati City Pabakuna

Hindi inaasahang mauwi umano sa isang engkwentro ang buy bust matapos magawang manlaban ng suspek.

Binawian ng buhay sa loob mismo ng ikalawang palapag ng inuupahang apartment ang suspek bunsod ng ilang tama ng bala na tinamo nito sa kanyang katawan.

Narekober ng pulisya sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ang 11 piraso ng small heat-sealed transparent plastic sachets ng suspected shabu, kalibre 9mm na baril, holster, magazine at mga bala, kabilang ang halagang P4,000.

Publication Source :    People's Tonight