Home>News>Provincial>DTI R2 kaisa sa RESBAKUNA kontra CoVid-19

DTI R2 kaisa sa RESBAKUNA kontra CoVid-19

DTI ResBakuna

Ang Department of Health Region 2 ay patuloy na pinaiigting ang kanilang Resbakuna sa mga eligible population sa rehiyon. Nitong ika-8 ng Hulyo taong 2021, nakasama ang mga frontliners ng DTI Region 02 sa mga nabakunahan ng kanilang unang dose.

Inaasahang dahil sa proteksyong makakamit dito ay mapaiigting lalo ng DTI Region 2 ang pagsisiguradong ligtas ang muling pagbubukas ng ekonomiya at mapalalawig pa ang mga hatid na serbisyo lalung lalo na sa mga MSMEs na lubhang apektado ng pandemya.

Kaisa ang DTI Region 02 sa kampanya ng DOH Region 2 na “Resbakuna Kasangga ng Bida: Sama-Sama Tayo sa Bida Bakunation”. Bakuna ang kasagutan para makabangong muli ang ating lipunan sa kasalukuyang kinasasadlakan.

“SA RESBAKUNA KASANGGA NG BIDA. SAMA-SAMA TAYO SA BIDA BAKUNATION.”