Home>News>Nation>Duty Free employes nanawagan tutukan kaso ni Belgica sa OMB

Duty Free employes nanawagan tutukan kaso ni Belgica sa OMB

NANANAWAGAN ang mga kawani ng Duty Free Philippines na tutukan ng pamahalaan ang umanoy korapsyon na kinasasangkutan mismo ng Presidential Anti-Corruption Commision (PACC).

Ito ang naging pahayag ni Alexander Sablan, dating presidente ng United Workers of Duty Free Philippines, kasabay nang pagsasabi na tila niligaw lamang ni PACC Commissioner Greco Belgica si Pangulong Duterte sa pagbubunyag nito ng mga pangalan ng mambabatas na sangkot umano sa katiwalian sa Department of Public Works and HIghways (DPWH).

Niligaw ni PACC Commissioner Greco Belgica ang pangulo at ang taong bayan sa listahan ng mga mambabatas na ibinigay niya para lang pagtakpan ang korapsyon isyu laban sa kanya,” ani Sablan.

Matatandaan na sinampahan ng grupo ni Sablan ng kasong graft and corruption si Belgica sa Office of the Ombudsman.

Makati City Pabakuna

Nag-ugat ang kaso dahil umano sa pagbalewala ni Belgica sa kanilang reklamo sa PACC laban sa katiwalian sa loob ng Duty Free Philippines.

Sa halip daw na magpalabas ng mga pangalan ng mambabatas na wala naman umanong basehan, mas nararapat daw na sagutin ni Belgica ang mga paratang laban sa kanya.

Mas malaki kasi ang istorya na yung opisyal ng anti-corruption agency, sabit sa korapsyon,” giit ni Sablan.