Home>Editorial>Miscellaneous>1st batch ng mga taga-Taliptip malapit na magtapos sa SMC-TESDA training

1st batch ng mga taga-Taliptip malapit na magtapos sa SMC-TESDA training

SMC-TESDA training

ANG kauna-unahang batch ng mga taga-Taliptip ay malapit nang magtapos sa kanilang pagsasanay sa ilalim ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) habang bubuksan naman ng San Miguel Corporation ang naturang program para sa mas maraming Bulakenyo sa mga darating na buwan.

Marami na ang nagkaroon ng interes na sumali na nasabing program, ayon sa SMC at TESDA at maganad ang naging feedback unang batch na kinabibilangan ng 60 estudyante.

We are very pleased with the reports that the initial batch of enrollees who are formerly from Barangay Taliptip are very eager to learn and are doing well in their training. Sila ay masipag at mabilis matuto. We appreciate their effort in learning new skills during the pandemic as this shows their eagerness and pride to participate in a game-changer of a project that will not only benefit them, but also the generations to come,” wika ni SMC president and chief operating officer Ramon Ang.

Kinunpirma ni TESDA provincial director Jovencio Ferrer, Jr. nakakabuti ang pagsasanay sa initial na batch. “I see the ongoing training as effective since the graduates are equipped to become competent in their field of choice and prepared for either wage or self-employment.”

Ayon kina Arvee Vasquez, Erwin Libao, and Jojit Teodoro, ang kanilang kurso sa heavy equipment/hydraulic excavator ay makakatulong sa kanilang makahanan ng oportunidad sa airport project.

Marami po akong natutunan tulad ng ng pag-operate ng excavator at pati na rin yung tamang attitude. Sa palagay ko makakatulong itong ginawa naming training lalung-lalo na ngayon na wala kaming trabaho,” wika ng 35 taong gulang na si Vasquez.

Ayon naman kay Libao, 35, ay matimbang para sa kanya ang mga pagkakaibigan. “Marami po kaming naging kaibigan na mga di namin kilala na taga ibang sitio at yung pag-aaral naman namin ay napasaya. Napalaking tulong at oportunidad lalo na po sa amin na hindi nakapag-aral ng college kaya’t kami ay nagpapasalamat.”

The 45-year old Teodoro said: “Marami kaming natutunan at nag-alok pa sila ng iba pang kurso na libre sa tulong ng San Miguel. Nawalan nga ako ng hanapbuhay at mabibigyan kami ng hanapbuhay sa tulong ng TESDA.”

Natuto si Geraldine Cunanan ng pagpili ng tela, pagsusukat, at aktwal na pananahi na magagamit nya sa negosyo.

“Ang aming pananahi ay hindi lamang para sa amin kundi para na rin sa aming pamilya dahil ito ang nakikita naming solusyon sa malaking problema namin sa hanapbuhay,”wika ng 35 taong gulang na si Cunanan na ang ama ay dating fishpond caretaker habang ang ina naman ay isang mananahi.

Plano ni Mark Ivan Pilapil, 21, na magbukas ng eatery na malapit sa pagtatayuan ng airport.

Malaking tulong itong pagsasanay namin sa TESDA at sa pamilya naming dahil pwede nang makapagtayo ng maliit na karinderya o negosyo sa itatayong paliparan or airport dito sa aming bayan,”wika nya.

Eduardo Panganiban also appreciated the welding lessons and hopes to get employed at the airport site. “Maayos po na naipapaliwanag ng Tesda ang tungkol sa pagwe-welding at dahil marami kaming natututunan ay malaki po ang posibilidad na makuha kami ng San Miguel kapag nagsimula na ang paggawa sa airport,”Panganiban said.

Ang mga kurso sa ilalim ng SMC-TESDA program ay heavy equipment/hydraulic excavator course, shielded metal arc welding, electrical installation and maintenance, dressmaking, at cookery.

Umaabot sa 20 araw ang pagsasanay ng mga estudyante at may karagdagan pang tatlong araw para sa entrepreneurship training. Ang mga gusting magtayo ng negosyo ay bibigyan ng toolkits tulad ng welding machines at sewing machines.

“The toolkits to be given are a good starter component in setting up their respective enterprises and put into practice their hard-earned skills,” paliwanag ni Ferrer.

Magkakaroon ng assessment test ang mga graduate bago sila mabigyan ng National Certificates. Ang mga magtatapos sa heavy equipment/hydraulic excavator course, electrical installation and maintenance, at shielded metal arc welding courses ay ire-refer sa SMC Aerocity na isang kumpanya sa ilalim ng SMC Infrastructure na siyang hahawak sa airport development.

We thank TESDA again for helping us in equipping the Bulacan residents with additional and new skills that will come in handy for those who want to work for us, or establish businesses that will cater not only to the airport but also to their respective communities as well. We need to work together to be able to ensure that the benefits of this airport will reach everyone and that it serves as an impetus for the country’s recovery from the Covid-19 pandemic,” wika ni Ang.

Ang pilot batch ay galing sa 277 na pamilya na kinabibilangan ng mga dating fishpond caretakers sa Taliptip.

Binigyan ng SMC ang mga may-ari ng hindi konkretong bahay ng P250,000 kada isa habang ang mga konkretong bahay naman ay binigyan ng appraised value ng kanilang multiplied by two at may karagdagang P100,000.

Para sa mga nanatili sa Bulacan, tinutulungan sila ng SMC sa pamamagitan ng pagsasanay sa TESDA.

We have a commitment to the Taliptip residents to make their lives better with this project. That’s why aside from the cash assistance, we have provided them opportunities for skills and livelihood training. We want them to work not only for us, but also with us in making sure that this project delivers on its promise to help the country recover and provide jobs to many Filipinos,”wika ni Ang.

Ang Manila International Airport (MIA) ay makakatulong na magbukas ang maraming negosyom kasama na rito ang suppliers, maintenance contractors, food providers at accommodations. Sa tabi ng MIA ay itatayo naman ang Bulacan Airport City Economic Zone na inaasahang ring magdadala ng negosyo sa Bulacan at magbibigay ng trabaho.