Home>Editorial>Miscellaneous>Antipolo nilimitahan videoke sessions

Antipolo nilimitahan videoke sessions

NILIMITAHAN na rin ng Lokal na pamahalaan ng Antipolo City ang mga sesyon ng videoke kasunod ng pagbubukas ng klase sa mga eskwelahan nitong nagdaang lingo.

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares, maari na lang mag-videoke mula 6:00 p.m. hanggang 9 p.m.

Paliwanag ni Mayora Ynares, ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na makapagaral ng tahimik at mapayapa.

Malaking tulong din ito aniya sa mga work from home na mga magulang o mga indibidwal.

Sa ilalim ng City Ordinance 2020-964, papatawan ng P1000 na penalty sa unang paglabag, P2000 sa ikalawang paglabag, at P5000 sa ikatlong paglabag na may anim na buwang pagkakakulong.

Kasabay ng pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan ngayong buwan, (bukod pa po sa mga work from home nating mga kababayan), pinapaalalahanan po ang lahat na meron po tayong umiiral na bagong ordinansa patungkol sa operation hours o paggamit ng videoke sa ating lungsod,” sinabi ni Mayora Ynares a kanyang post sa Facebook.

Sa ilalim ng nasabing ordinansa, maaari lamang mag videoke mula 6:00 PM hanggang 9:00 PM. Ito ay upang maiwasan ang pag-iingay at mabawasan ang distractions habang nagkaklase ang mga estudyante sa kanilang mga tahanan, at makapagpahinga naman nang tahimik sa gabi ang lahat lalo na ang mga magulang na galing sa trabaho at paghahanap buhay,” dagdag ni Mayora Ynares.

Nilinaw naman ni Mayora Ynares na para sa mga business establishments na nasa commercial zone papayagan lamang ito kung ito ay “enclosed at soundproof.”

Pinapahintulutan ito mula 12:00 ng tanghali hanggang 12:00 ng hating gabi. Maaari mag-extend hanggang 2:00 AM, kung araw ng Sabado, bisperas ng opisyal o holidays at town fiesta,” sabi pa ni Mayora Ynares

Umaasa naman ang lokal na pamahalaan na agad itong ipapatupad ito sa lalong madaling panahon ng mga pulis at barangay.

Humihingi rin ng tulong si Mayora Ynares sa mga residenrte, para matiyak ang katahimikan sa pag-aaral ng mga estudyante.

Inaasahan po ang buong suporta at kooperasyon ng ating mga kababayan. Inaasahan din po ang Kapulisan at Barangay officials na mahigpit na ipapatupad po ito” pagtatapos ni Mayora Ynares