Bagong gusali

Andeng Ynares & Michael Aguinaldo

Nagkasundo sina Antipolo City Mayor Andeng Ynares (kaliwa) at Commission on Audit Chairman Michael Aguinaldo para makapagtayo ng opisina para sa COA sa Sitio Cabading, Antipolo City. Ginawa ang pirmahan sa tanggapan ng COA sa Quezon City.

Ayon kay Mayora Ynares, mas maganda na malapit lang ang COA para lalong masiguro na tama ang pag gastos ng kaban ng lungsod, maging ang buong lalawigan ng Rizal.