Home>Editorial>Miscellaneous>Billboard ng PETA na ‘Tokwa Never Caused a Pandemic’ masisilayan sa Metro Manila

Billboard ng PETA na ‘Tokwa Never Caused a Pandemic’ masisilayan sa Metro Manila

TokwaLIMANG Linggo bago ang pagsapit ng Pasko, ang PETA ay naglunsad ng billboard campaign na nagpapakita ng isang masayang bloke ng tokwa na may mensaheng “Tokwa Never Caused a Pandemic. Try It for the Holidays” para ma-highlight ang koneksyon ng industriya ng karne sa mga zoonotic na sakit kagaya ng COVID-19 at hikayatin na maging ligtas ang lahat ngayong kapaskuhan sa pamamagitan ng pagiging vegan.

Ang mga billboard na pinagkaloob ng Pitchworks, Inc., ay makikita sa EDSA corner Harvard Street sa tabi ng Caltex (pagkalampas ng Kalayaan Avenue sa kahabaang ng Mercury Drugstore sa BGC). Tingnan sa Google Maps link dito.

Marami pang billboards, na donasyon naman ng Strongmedia, ang asahang makikita sa buong Metro Manila sa mga susunod na araw.

Ang anunsiyo ng PETA ay may mahalagang paalala na kaya nating tulungan proteksyonan ang isa’t isa sa mga susunod pang pandemya sa pamamagitan lamang ng pagpalit ng diet,” ayon kay PETA Senior Vice President Jason Baker. “Sa higit na 7,000 kataong namatay sa Pilipinas mula sa sakit na konektado sa pag konsumo ng mga hayop, oras na para iwasan ang karne at lumipat sa pagkain ng tokwa at ibat-ibang produktong vegan.

Sa panibagong imbestigasyon ng PETA pinapakita ang mga palengke na puro dugo at puno ng mga hayop na stressed at may mga sakit, kaparehas ng sitwasyon ng lugar kung saan pinaniniwalaang nagmula ang COVID-19, ay patuloy pa rin ang operasyon sa buong Pilipinas. Ang dating influenza viruses tulad ng African swine fever at avian flu ay nagmumula sa mga baboy at manok—pero hindi sa mga vegan na pagkain kagaya ng tokwa, na mas mura sa karne, puno ng protina, walang kolesterol, at kayang pababain ang panganib na pagdusahan ang sakit sa puso, diabetes, kanser, at iba pang nakamamatay na sakit.

Ang PETA—na parte ng motto ay, “ang mga hayop ay hindi atin para kainin” at tumututol sa espesesismo, na isang human-supremacist worldview—ay nag-aalok ng libreng vegan starter kit¸na maaaring ma-order dito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang PETAAsia.com o sundan ang grupo sa Twitter, Facebook, o Instagram.