Home>Editorial>Miscellaneous>‘Dirty energy’ di na dapat pondohan ng ADB

‘Dirty energy’ di na dapat pondohan ng ADB

MULING hinamon ng civil society groups ang Asian Development Bank (ADB) na tuldukan na ang ang maruruming proyektong pang-enerhiya sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pamumuhunan o pagpopondo sa ‘coal’ o karbon.

Ang panawagan ay isinagawa ng grupo sa isang webinar kung saan isinapubliko rin ang pag-aaral.

Pinuna ni Gerry Arances, Executive Director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED), ang maluwag na 2009 Energy Policy ng ADB.

“Thanks to the lenient Energy Policy it adopted in 2009, ADB is guilty of having shaped Asia’s energy sector into its carbon-intensive state today. No amount of renewable energy investments could cover up the bank’s role in advancing the myth of clean coal and the fact that half of the total installed capacity of power generation projects it funded the past decade are from fossil fuels,” ayon kay Gerry Arances, Executive Director of the Center for Energy, Ecology, and Development (CEED).

Binigyang-diin ni Arances, sa gitna ng lumalalang krisis sa klima at kalidad ng hangin, pagmura ng mga teknolohiya ng renewable energy, at mga pangangailangang pangkalikasan at pang-ekonomiya na nangibabaw ngayong panahon ng COVID-19, panahon na upang mag-’decarbonize’ ang ADB.

“The critical reflections we from civil society offer today mirror what the bank’s Independent Evaluation Department reported: that ADB needs a new energy policy that accurately responds to the region’s needs. In doing so it must live up to its role in global energy transformation, which it can begin by completely leaving coal in its dirty past,” dagdag pa ng CEED executive.